Kinagabihan.
Anna's POV.
12 midnight na. Waah, grabe pagod na pagod na ako. Gustong-gusto ko nang humiga sa kama at magpahinga. Dahan-dahan kong binuksan yung cellphone ko. Hindi ko 'to nadala kanina sa venue, naiwan ko sa loob ng dressing room mygash.
Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong nakasampung missed call si Wish. My GOODNESS!
Dumating na ako sa dorm na tinitirhan naming dalawa ni Wish. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at dali-dali akong pumasok sa loob. Pagpasok ko nagulat na lang ako nung may sumabog na confetti.
"MY GOODNESS!", Napasigaw ako.
"Wait. Sabi ko mamaya mo na papuputukin diba? Mamaya kapag ayos na kaming dalawa? Bakit mo biglang pinaputok?!", Si Wish.
"Nakalimutan ko sorry! Kanina ko pa kasi gustong paputukin 'to eh kaya nung marinig kong bumukas yung pinto, pinaputok ko kaagad. Mukha namang nagustuhan ni Anna eh.", Si Yuji.
Dumating naman bigla si Jiya na may dala-dalang isang bouquet.
"Guys. Sorry ngayon lang ako nakadating. Medyo traffic kasi tsaka kaunting flower shop na lang yung bukas sa mga oras na 'to kaya kung saan-saan pa ako napunta pero Wish etong napili kong bouquet magugustuhan ni Ann--", Napahinto si Jiya sa pagsasalita nung makita niya ako.
"Uhm. M-may event ba akong hindi nalalaman dito? M-may birthday ba? A-ano bang meron guys? Naguguluhan na ako.", Tanong ko.
"Wish, siguro it's time na para mag-usap kayong dalawa.", Sabi naman ni Erin.
"Doon lang muna kami sa labas, iwan muna namin kayong dalawa dito para naman may privacy kayong dalawa.", Sabi naman ni Shin.
"Huh?! Eh ang init-init sa labas. Pwede bang jan na lang muna tayo sa loob ng kwarto nila?", Sabi naman ni Erin.
Hindi na nakapagsalita si Erin nung hinatak na siya ni Shin at sabay-sabay na silang lumabas. Kaming dalawa na lang ni Wish yung naiwan dito sa loob.
Dahan-dahan akong tumingin kay Wish at nahihiya namang tumingin sa akin si Wish.
"Yo, what's the problem?", Tanong ko.
Dahan-dahang tumingin sa akin si Wish. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na umiiyak siya. A-anong nagawa ko?! Tas nagulat ako nung bigla niya akong niyakap nang mahigpit na mahigpit.
"S-Sweetheart? A-ano bang problema? B-bat ka jan umiiyak? M-may nangyari ba na hindi ko alam? Magsabi ka lang. Sweetheart?", Tanong ko ulit.
"Ikaw kasi eh.", Sabi niya habang yakap-yakap niya ako.
"Me? Why me? A-anong nagawa ko?", Tanong ko.
"A-akala ko galit ka sa akin. N-nakailang tawag na kasi ako sayo eh... h-hindi ka naman sumasagot kaya akala ko tuloy galit ka sa akin. Sorry na. Kung hindi ko man kaagad nasabi sayo yung issue na yun. Promise, sa susunod magsasabi kaagad ako sayo. Hindi ko na hahayaang malaman mo pa sa social media. I'm so sorry, Anna. I'm very very sorry, Anna.", Umiiyak na sinabi sa akin ni Wish habang yakap-yakap niya ako.
"Sweetheart. H-hindi ako galit sayo. Like I said before, I'm just disappointed. Hindi ko naman sinabi na galit ako. Sorry rin kasi hindi ko nasagot kaagad yung mga tawag mo. Nakalimutan ko kasi yung cellphone ko, hindi ko nadala sa venue kaya yun. I'm sorry, Wish.", Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Bind | SinRin
Fanfiction[COMPLETED] !taglish story! started: 04/24/18 *new story by hwangeunbb, hope you'll like it!* CALLING OUT ALL THE PH SINRIN SHIPPERS/STANS! highest ranking: #1 in sinrin #4 in gfriend #1 in astro