Bind2: I Like Him

273 10 2
                                    

Shin's POV.

Gabi na. Nakahiga na si Erin ngayon sa kama niya. Tapos na rin kaming kumain na dalawa. Naglinis lang ako nang kaunti dito sa loob ng room ni Erin. Siguro hinahanap na ako nila Jiya and Yuji sa mga oras na 'to.

Pagkatapos kong maglinis, dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto ni Erin.

"Erin.", Lumapit ako sa kanya.

Nung nakalapit na ako sa kanya bigla niyang hinawakan yung kaliwang kamay ko.

"Can you... stay here with me tonight?", Tanong ni Erin.

"S-sure.", Sagot ko.

"Thank you.", Sabi naman ni Erin sabay pikit ulit ng mga mata niya.

Umupo ako sa sahig at seryoso ko lang na tinititigan si Erin habang natutulog na siya. Hawak hawak niya pa rin yung kaliwang kamay ko. Dahan-dahan kong inayos yung buhok niya. Bigla naman siyang dumilat ulit.

"What is it? May kailangan ka ba?", Tanong ko.

"Wala. Pwede mo ba akong tabihan dito?", Tanong naman niya.

"O-ok.", Sagot ko naman.

Dahan-dahan akong tumayo at dahan-dahan akong humiga sa tabi ni Erin. Magkaharap kaming dalawa ngayon. H-hindi ako makagalaw nang maayos.

"Hindi pa ba tayo nagtatabi dati sa higaan?". Tanong niya.

Sa tanong ni Erin, bigla kong naalala yung unang pagtabi naming dalawa sa kama. Yun yung araw na naging kami.

"Nagtabi na tayo dati kaya... sanay na ako dito.", Sagot ko.

"That's cool. I'm sorry I can't remember that.", Sabi naman ni Erin.

"It's ok. I understand.", Sabi ko naman.

Nagulat naman ako nung biglang lumapit sa akin si Erin at niyakap niya ako.

Dahan-dahan ko rin naman siyang niyakap.

"Goodnight.", Narinig kong sinabi ni Erin.

"Goodnight.", Sabi ko naman.

Pagkatapos nun, pinikit ko na yung mga mata ko para makatulog na ako.

Kinabukasan.

Umaga na. Oras na para gumising. Dahan-dahan ko nang dinilat ang mga mata ko. Pagdilat ko agad akong napabangon nung mapansin kong wala na si Erin sa tabi ko. Where is she?

Pagbangon ko agad akong tumayo at lumabas sa kwarto ni Erin. Paglabas ko napakalma ako nung makita ko si Erin na nasa kitchen at seryosong nagluluto. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Hey. You're awake. Just wait there, maluluto na tong fried rice. Do you like fried rice?", Erin said.

"Yeah. I like-- I mean I love fried rice.", Sabi ko naman.

"That's good. Go and sit there.", Sabi naman niya.

Pag-upo ko naman sa upuan bigla namang nagsalita ulit si Erin.

"Buddy? I have a question.", She said.

"Yeah? What is it?", Tanong ko naman.

"M-marunong na ba ako magluto dati?", Tanong ni Erin.

Ngumiti ako.

"Yeah. You know what ikaw ang kilala kong taong napakasarap gumawa ng rice cake.", Sagot ko.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon