Bind: This Is It

301 14 1
                                    

Kinabukasan.

Jiya's POV.

Umaga na. Sa totoo lang, hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip sa sinabi sa akin ni Yuji kahapon. Seryoso ba siya doon?

Bumangon na ako. Agad akong nagshower. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos nang sarili ko. Pumunta na ako sa kusina para maghanda ng almusal. Habang nagtitimpla ako ng kape bigla na lang akong napahinto nung makita ko si Yuji.

Napatitig kami sa isa't isa nang matagal. B-bakit hindi ako makapagsalita? K-kailangan kong magsalita.

"G-good morning. Here's your coffee.", Sabi ko.

Lumapit siya sa akin at kinuha niya yung coffee na inaalok ko sa kanya.

"Thank you.", Sabi naman ni Yuji.

"Uhm. So... kamusta na yung pakiramdam mo ngayon? Are you feeling better now?", Tanong ko.

Tumingin nang nakaseryoso yung mukha sa akin si Yuji.

"I'm fine.", Sagot niya.

Tumayo na siya at naglakad papunta sa cr.

"By the way Jiya, thank you for taking care of me yesterday.", Sabi niya.

"No probl--", Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang pumasok na si Yuji sa loob ng cr.

Erin's POV.

Napag-isip-isip ko na siguro eto na yung tamang panahon para ipakilala si Shin kila Mama at Papa. For sure, hindi matatanggap ni Mama ang relationship naming dalawa ni Shin pero gagawin ko ang lahat hanggang sa matanggap na niya.

Tinawagan ko si Shin.

"Hello Shin.".

"Hey, what's up?". - Shin.

"Uhm nothing. Just checking you out.".

"Erin. Just tell me the truth, bat napatawag ka?". - Shin.

"Uhm. Tinawagan ko si Mama, sabi ko sa kanya na doon ako magdidinner mamaya. Then, napag-isip-isip ko na... isama ka para mapakilala na kita sa parents ko.".

"Oh! Really? Later?". - Shin.

"Yeah. Dadaanan na lang kita jan mamaya. Wala ka namang gagawin ngayon diba?".

"No. Wala. It's my free time today so it's ok.". - Shin.

"That's good.".

"Erin. Uuwi rin ako sa amin this friday to visit my family. It would be great kung sasama ka para mapakilala na rin kita sa mama ko and sa older brother ko.". - Shin.

"Yeah, sure! I'm ok with that.".

"Cool. So... see you later?". - Shin.

"Yeah. See you later.".

Anna's POV.

Tapos na yung guesting ko ngayon sa isang tv show tas maya-maya magsta-start na yung fanmeeting event ko pero nagpaalam ako sa manager ko kung pwede bang bisitahin ko muna si Wish.

May photoshoot ulit si Wish ngayon at yung studio kung nasaan siya ngayon ay malapit lang sa venue kung saan gaganapin yung fanmeeting event ko. Pumayag naman kaagad yung manager ko.

Pagpayag ng manager ko, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad kong pinuntahan ang sweetheart kong si Wish.

Pagdating ko sa photo studio, agad akong napangiti nung makita ko si Wish. Waah, she's so pretty and tall.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon