Erin's POV.
Habang hinahantay pa namin sina Jiya at Yuji dito sa loob ng recording studio. Tahimik at medyo nahihiya akong nakaupo lang dito sa loob habang sina Wish, Anna, at Shin ay masayang nag-uusap sa gilid.
N-nakakahiya namang sumingit sa usapan nila.
Bigla akong napalingon sa kanilang tatlo nung marinig kong binanggit ni Wish yung pangalan ko.
"Shin. Sige, mauna na kaming dalawa ni Anna sa labas. Ihahanda ko pa kasi yung sasakyan ko tsaka hindi ka naman mag-isa dito. Anjan si Erin, tumabi ka na lang sa kanya. Maniwala ka sa akin... madaldal yan.", Sabi ni Wish kay Shin.
"Ah, ganun ba. S-sige.", Sabi naman ni Shin.
"Huh? Mamaya na tayo lumabas. Wala pa naman sina Jiya at Yuji ibig sabihin nun wala pa yung Van jan sa labas. Sweetie, dito na lang muna tayo ang saya saya kaya ng kwentuhan natin dito.", Sabi naman ni Anna kay Wish.
Dali-dali namang hinatak ni Wish si Anna palapit sa kanya.
"Ah! S-sige Shin, kita na lang tayo ulit dun sa outdoor book signing event mo!", Nagmamadali namang sinabi ni Wish kay Shin.
Kaming dalawa na lang ni Shin yung naiwan dito sa loob ng recording studio. My goodness, p-plinano ba 'to ni Wish para masolo ko si Shin ngayon?
Pag-alis nila Wish at Anna, nakangiting humarap sa akin si Shin.
"Pwede ba akong umupo sa tabi mo?", Tanong ni Shin.
Agad akong napatayo.
"A-ah. S-sure. Sure! Y-you can sit here! Beside me!", Nahihiya kong sagot sa tanong ni Shin.
Nakita kong ngumiti ulit si Shin tapos dahan-dahan na siyang umupo sa tabi ko. N-nahihiya akong magsalita. A-ano ba ang pwede kong sabihin at ikwento kay Shin? W-wala akong maisip, ano ba yan~
"Sabi ni Wish madaldal ka, bat parang hindi ko maramdaman at makita yung pagiging madaldal mo ngayon? Are you ok?", Tanong ulit ni Shin.
"Uhm t-to tell you the truth, n-nahihiya ako ngayon k-kasi nandito ka sa tabi ko. H-hindi ko alam kung p-paano kita kakausapin. I-I'm sorry.", Sagot ko naman.
"Oh yeah, you're a fan. Sabagay, ganyan rin yung mararamdaman ko kapag nakita at nakasama ko yung idol ko. Erin, isipin mo na lang na... magkaibigan tayo. Tropa tayo. Para mawala na yung hiya mo sa akin. Can you do that?", Sabi naman sa akin ni Shin.
Dahan-dahan akong napangiti nang dahil sa sinabi ni Shin.
"Totoo nga yung mga sinabi nila Wish at Anna sa akin. You're so very kind.", Nakangiti kong sinabi kay Shin.
Saglit akong hindi tumingin kay Shin. Pagkatapos nun, nakangiti akong pabiglang tumingin ulit sa kanya.
"Dude! How are you? Mukhang napakabusy ng schedule mo ngayon ah. Ang aga aga meron kang radio guesting tapos ngayon naman meron kang outdoor book signing event. Ayos ka pa ba?", Nakangiti kong sinabi kay Shin.
My goodness, tama ba tong pinagsasabi ko?
Napangiti ulit ako nung makita kong natawa si Shin siguro nang dahil sa sinabi ko.
"I'm ok, dude. Don't worry about me tsaka anjan naman yung Manager Jiya ko at sinisigurado niyang hindi ako magkakasakit. I'll be fine, dude.", Nakangiti namang sinabi sa akin ni Shin.
BINABASA MO ANG
Bind | SinRin
Fanfiction[COMPLETED] !taglish story! started: 04/24/18 *new story by hwangeunbb, hope you'll like it!* CALLING OUT ALL THE PH SINRIN SHIPPERS/STANS! highest ranking: #1 in sinrin #4 in gfriend #1 in astro