Bind2: No Problems

312 10 2
                                    

3 days past.

Shin's POV.

Tatlong araw na ang nakalipas. Wala pa ring paramdam si Erin. Ano na kaya ang ginagawa niya sa America ngayon? Ok ba siya doon? Hindi ba siya... nalulungkot dahil mag-isa lang siya doon?

Seryoso at tulala lang akong nakaupo sa may couch namin nang bigla akong lapitan ni Jiya.

"Here. Have some biscuits.", Sabi niya.

"Thank you.", Kinuha ko yung biscuit na inaalok niya.

Umupo si Jiya sa tabi ko.

"Are you still thinking about her?", Tanong niya.

"I miss her.", Sabi ko naman.

"Don't worry. I believe she miss you too.", Sabi naman ni Jiya.

"You think so?", Tanong ko.

"Yeah! Think positive. I believe Erin misses you too.", Nakangiti namang sinabi sa akin ni Jiya.

Napangiti naman ako nang dahil sa sinabi ni Jiya. Sabay kaming napatingin sa may pintuan nung may nagdoorbell sa labas.

"Don't stand up you two. Ako na ang magbubukas.", Sabi sa amin ni Yuji.

Sino naman kaya yung nagdoorbell na yun?

"GUYS!", Sabay kaming napalingon kay Yuji nung marinig namin siyang sumigaw.

Hindi na kami nagdalawang-isip pa ni Jiya at agad na kaming tumayo at naglakad palapit kay Yuji. Paglapit namin kay Yuji sabay kaming napahinto ni Jiya. A-anong ginagawa ng Mama ni Erin dito?

"M-Mrs. Jung?", Sabi ko.

"Good morning. May I come in?", Sabi naman ng Mama ni Erin.

Pinapasok naman kaagad namin si Mrs. Jung. Pinaupo namin siya sa may couch sa sala. What is she doing here?

"Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nandirito ngayon? I want to talk to you, Shin.", Sabi ni Mrs. Jung.

"M-Me? A-ano pong pag-uusapan natin Mrs. Jung?", Tanong ko.

"Ang gusto ko sana... tayong dalawa lang ang mag-usap.", Sabi naman ni Mrs. Jung.

Tumingin ako sa kanila Jiya at Yuji at sinenyasan ko silang lumabas muna. Agad naman nila akong sinunod.

Paglabas nila Jiya at Yuji, tumingin na ulit sa akin si Mrs. Jung.

"A-ano na po ang pag-uusapan natin, Mrs. Jung?", Nagtanong ulit ako.

"How are you? It's been a year since the last time I saw you.", Nakangiting nagtanong si Mrs. Jung.

"I-I'm doing fine naman po.", Sagot ko naman.

"I heard that you're a script writer now. You've been working with the famous director in your generation today, Director Hanz.", Sabi naman ni Mrs. Jung.

"Y-yes po.", Sabi ko naman.

"Are you... still afraid of me?", Tanong ni Mrs. Jung.

Dahan-dahan akong tumingin kay Mrs. Jung. H-hindi ko alam ang isasagot ko.

"Looks like... takot ka pa rin sa akin.", Nakangiti namang sinabi ni Mrs. Jung.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon