Bind2: Wish's Plan

361 12 13
                                    

Ben's POV.

Pagbalik ni Shin kay Erin, nakita ko na bumalik na yung mga ngiti niya tulad nung dati. Ramdam kong masayang masaya si Shin ngayon. Erin is back.

I'm so happy for you.

Shin's POV.

Pagkatapos naming kumain ni Erin pumunta naman kami sa may park. Tahimik lang kaming magkatabing nakaupo sa bench. Dahan-dahan akong tumingin kay Erin. Nakita ko na nakatingala siya at pinagmamasdan niya yung mga bituin sa langit.

"D-do you want to go home na ba?", Tanong ko.

"W-what? Oh no. No, let's stay here. Magstay muna tayo dito for a minute.", Sagot naman ni Erin.

"Sure.", Nakangiti ko namang sinabi kay Erin.

"Shin", Tumingin ulit ako kay Erin nung tinawag niya ako.

"Hmm?", What is it?

"D-do you feel uncomfortable with me? R-right now... I'm sorry. H-hindi ko kasi alam kung a-ano yung pwede kong gawin because--", Hindi ko na pinatapos magsalita si Erin.

Napahinto siya sa pagsasalita nung bigla kong hinawakan yung kaliwang kamay niya.

"No. Wag mong isipin yan. Alam mo ba... ang saya saya ko ngayon because you're back. Ok na ako na makasama lang kita. Ok na ako dun, Erin.", Nakangiti ko namang sinabi kay Erin.

Pagkatapos nun, nginitian niya rin ako. Dahan-dahan ko namang sinandal yung ulo ko sa kaliwang balikat niya. I miss this... at inakbayan naman niya ako.

Christian's POV.

Walang kaalam-alam sina Shin and Erin na sinundan ko sila simula nung paglabas nila sa building.

Tahimik lang ako nasa loob ng sasakyan ko at nakatingin sa kanilang dalawa. Siguro sinusubukan ni Erin na mas mapalapit kay Shin and.. kalimutan ang feelings niya para sa akin.

Dahan-dahan akong umiwas nang tingin sa kanilang dalawa.

At least... nagkagusto siya sa akin.

Shin's POV.

Hinatid ko muna si Erin pauwi sa condo unit kung saan siya tumutuloy dati.

"So... hanggang dito na lang ako. Mauna na rin ako baka hinahanap na ako nila Jiya and Yuji pero don't worry... pupuntahan kaagad kita dito bukas.", Sabi ko.

"Ok. I'll wait for you.", Sabi naman ni Erin.

"Goodnight and have a sweet dreams. Bye.", Nakangiti kong sinabi kay Erin.

"Thank you.", Nakangiti naman niyang sinabi sa akin.

Dahan-dahan na akong naglakad palayo kay Erin pero bigla akong napahinto nung tinawag niya ako.

"Shin!", Agad naman akong lumingon sa kanya.

"Yeah?", Tanong ko.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Erin nang matagal. Nagulat na lang ako nung tumakbo siya palapit sa akin at hinatak niya ako palapit sa kanya and... she kiss me.

Hinalikan ako ni Erin sa lips. Omg, hindi ako ready dun. Napahawak nang mahigpit na mahigpit yung dalawang kamay ko sa damit ni Erin.

Pagkatapos nun, dahan-dahan kaming tumingin sa isa't isa. Dinikit ni Erin yung noo niya sa noo ko.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon