Bind: We're Dating

369 11 4
                                    

Kinabukasan.

Erin's POV.

Umaga na. Oras na para gumising. Dahan-dahan ko nang dinilat yung mga mata ko. Pagdilat ko agad akong napangiti nung makita ko agad si Shin na mahimbing pang natutulog sa tabi ko. Hawak-hawak niya pa rin yung kaliwang kamay ko.

Napansin ko na unti-unti na rin siyang nagigising. Dahan-dahan na siyang dumilat at pagdilat niya agad kaming nagkatinginan nang matagal. Sabay naming nginitian ang isa't isa.

"Good morning.", Nakangiti kong sinabi kay Shin.

"Good morning breath.", Nakangiti namang sinabi ni Shin.

Agad akong napabangon nang dahil sa sinabi ni Shin at huminga ako nang malalim para maamoy ko yung hininga ako. Huh? Hindi naman mabaho ah.

"Hey. What are you doing?", Tanong ni Shin.

"You said, good morning breath. Inamoy ko lang yung hininga ako baka mabaho pero hindi naman ah.", Nakapout kong sinabi kay Shin.

Bigla naman akong nagtaka nung tumawa si Shin at dahan-dahan siyang bumangon. Pagbangon niya pinatong niya yung ulo niya sa kanang balikat ko.

"I'm just kidding, don't take it seriously.", Nakangiting sinabi ni Shin.

Pagkatapos nun, hinalikan niya ako sa noo sabay tayo sa kama.

"W-wait. W-where are you going?", Tanong ko.

"I need to take a bath. Hindi naman ako pwedeng umuwi nang hindi pa naliligo. Pahiram na lang rin ng damit. Thank you!", Sagot ni Shin.

Hindi ko na nagawa pang makapagsalita dahil pagkatapos magsalita ni Shin agad niyang kinuha yung bathrobe ko at dali-dali na siyang naglakad papasok sa loob ng cr para maligo.

Ben's POV.

Masaya at masigla akong pumasok ngayon sa restaurant ko. Alam ko kasing maya-maya pupunta dito si Shin. Nakita naman niya siguro yung text ko sa kanya right?

"Good morning Sir Ben. Mukhang napaaga yung pagpasok niyo ngayon ah.", Pagbati sa akin ng guard.

"Good morning din. Yeah, may ine-expect kasi akong tao ngayon that's why napaaga yung pagpasok ko. Excited na kasi akong makita siya kahit na... alam kong mamaya pa siya pupunta. Ok, I need to go inside my office na. Ikaw na bahala jan. Work hard, fighting!", Nakangiti kong sinabi sa guard.

Pagkatapos naglakad na ako palayo sa kanya at papunta sa office room ko. I can't wait to see you, Shin.

2 in the afternoon.

2pm na. Bat kaya wala pa si Shin? Nakahanda na yung table para sa aming dalawa pero wala pa rin siya. Asaan na kaya siya sa mga oras na 'to? Matawagan nga.

Nakailang tawag na ako kay Shin pero hindi naman siya sumasagot. Asaan na yun?

Shin's POV.

Kasama ko ngayon si Erin. Sumama siya sa akin pabalik sa tinitirhan ko. Tinawagan na niya rin sina Wish and Anna na pumunta. Kailangan nilang malaman yung magandang balita between me and Erin.

Nandito na kami. Nakatayo kaming dalawa ni Erin sa harapan nila Jiya, Yuji, Wish and Anna habang sila naman ay nakaupo sa may sofa.

"Ok. Nakakailang oras na kaming nakaupo dito. Akala ko ba may sasabihin kayong dalawa sa amin? Ano ba yun?", Tanong ni Wish.

Sabay kaming tumingin ni Erin sa isa't isa tapos dahan-dahang hinawakan ni Erin yung kaliwang kamay ko at nakangiti kaming tumingin ulit sa apat.

"Ok. What's the meaning of that holding hands?", Tanong ni Yuji.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon