PROLOGUE

49 9 0
                                    

Matapos kong isuot ang aking bathrobe ay naglakad na ako palapit sa pintuan ng shower room upang lumabas ngunit napatigil ako bigla ng may maulinigan akong mga yabag ng paa sa labas.

Hating gabi na at tulog na lahat ng katulong namin dito sa bahay. Nagtext din naman si dad na hindi siya makakauwi ngayon dahil hindi pa tapos ang meeting nila para sa darating na kampanya. Imposible din namang si manong guard dahil kakatok muna iyon bago papasok ng bahay.

Nagsimula nang bumilis ang tibok ng aking puso at nag-aalangang lumabas ng shower room, paano kung may magnanakaw na nakapasok? anong gagawin ko?
Sa gitna ng aking pag-iisip ay narinig kung tumunog ang aking cellphone mula sa aking kuwarto. Mas lalo akong kinabahan at pinagpawisan ng marinig kong muli ang misteryosong mga yabag na papababa na ng hagdan at papunta sa first floor.
Kung tama ang aking hinala, palabas na ito ng bahay siguro dahil natakot sa ring ng aking phone.

Lakas loob kong pinihit ang doorknob ng pintuan at dahan-dahang sumilip sa labas, iginala ko muna ang aking paningin sa paligid bago tuluyang lumabas at nagtatatakbo papunta sa aking silid.
Marahan akong pumasok sa loob at iniwasang magdulot ng kahit anong ingay, nang makapasok na ako ay agad kung ini-lock ang pinto at nilapitan ang kanina'y tumutunog kong cellphone. Tinignan ko kung sino ang ang tumatawag sa akin kanina at nagulat ako dahil si dad, bakit niya ako tinatawagan ng ganto kalalim na ang gabi?

Sa kabila ng aking pagtataka ay sumibol ang isang pag-asa, gising pa si dad kailangan kong sabihin sa kaniya ang narinig kong misteryosong yabag kanina. Sa pagkakataon ngayon ay ako naman ang tumawag sa kaniya, laking pasasalamat ko naman ng agad niya itong sagutin.

"hello, Yen anak?"
"dad, I'm glad that you immediately answered my call. Bakit nga po pala kayo napatawag kanina?"
nanginginig kong tanong sa kaniya dahil hanggang ngayon ay kinakabahan at kinikilabutan pa rin ako sa nangyari kanina.

"ah, tatanungin ko lang sana kung anong gusto mong pasalubong bukas pag-uwi ko, may madadaanan kasi akong mall" natutuwa niyang banggit pero sa kabila ng masayang tono ng pananalita niya ay mas lalo tumitindi ang kabang nararamdaman ko?
"dad..."
"yes anak?"
sasabihin ko ba o huwag na lang, baka kasi maistorbo pa siya sa meeting niya, magiging sagabal pa ako sa mga dapat nilang tapusin ngayong gabi siguro naman ay guni-guni ko lang iyong kanina. Kung guni-guni nga ba?

"ah, nothing dad I just want to say I love you and thank you" tangi ko na lang nasabi.
"Love you too anak, o ano na? may gusto ka bang pasalubong bukas?"
muli niyang balik sa usapan

" nothing dad, just come home safe and sound , good night"

"okay, good night sweetie"
huli niyang sabi tiyaka pinatay ang telepono. Malungkot kong ibinaba ang phone ko at inilapag sa mesa tiyaka nahiga sa kama.
Pumikit ako upang makatulog at upang makalimutan ko na sana lahat ng takot na naramdaman ko ng biglang may nagtakip nang kung ano sa aking bibig. Madilim kaya hindi ko nakita kung sino ang taong iyon at kung ano iyong itinakip niya sa aking bibig. Lumaban ako hanggang sa huli pero malakas siya at tuluyan na nga akong mawalan ng malay.
.
.
.

--His Prisoner--by--TheEcryptionist--

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon