( BEA )
Habang masayang naglalaro iyong mga bata sa loob ng bahay, lumabas muna ako para magpahangin.
Naubusan na kasi ako ng energy, gusto ko ring magrecharge.
" musta "
Bigla ko na lang narinig mula sa kung saan man habang nagkaupo ako at nagpapahinga rito sa tabi ng swimming pool.
" oh Doc Jason, ikaw pala "
Sambit ko habang umuurong sa upuan para may maupuan naman si doc.
" anong ginagawa mo rito? "
Tanong niya matapos umupo sa tabi ko.
" nagrerecharge lang, naubos energy ko kanina "
Sagot ko sa tanong niya.
" ahh pasensya na pala, hindi ako nakapagbigay ng gift sayo noong birthday mo, busy kasi sa trabaho "
Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko kanina dahil hindi naman siya nagsasalita.
Nakatingin lang siya sa pool at parang ewan na nakatitig doon.
" hinihintay ko nga yon nong araw ng birthday ko pero wala kang pinadala "
Nagtatampo niyang sambit
" ay sorry na "
" hindi, walang sorry sorry "
" huh? "
" naghintay ako buong gabi para sa regalo mo, hindi ako natulog "
" hala! Bakit kasi di ka natulog? "
" hinihintay ko nga gift mo"
Grabe! Ang-OA naman niya?
" oh sige, sabihin mo na lang kung paano ako makakabawi sa iyo? "
Saad ko para hindi na siya magtampo at para hindi na rin ako maguilty.
" sigurado mo yan? "
Nakangiti niyang tanong.
OMG! huwag mo akong ngitian please, marupok ako anuba!
" oo nga "
" sige "
" o ano na? paano na ako babawi sayo? "
" allow me to date you "
Napalunok ako bigla sa sinabi niya.
What the!!
Sigurado siya?
" okay yan lang pala "
Nakangiti ko ring sabi tiyaka tumayo at muling bumalik sa loob.
(AUTHOR'S LAST SAY)
Ito na po ang huling chapter ng kuwento ko.
I hope po na naging masaya kayo at na-enjoy niyo.
Sana rin po ay may mga natutunan kayong mga aral at sana po magsilbi itong gabay para sa iyong mga kinabukasan.
(wow! naks naman ang makata ko na masyado)
Well thank you so much po sa pagbabasa at mag-leave din po kayo ng message kung gusto niyo.
A big bih muah muah from me to all of you.
Bye! Bye!
-the encryptionist-
