CHAPTER 35

16 2 0
                                        

( YEN )

" dali!  ilagay niyo yan doon,  itong isang bulaklak naman ay sa gilid ng altar,  tapos yong isa sa tabi ng table"

Aligaga kong utos  kay Bea.

" sandali,  nalito ako,  saan ulit ito? "
Tanong niya.
Natataranta na rin kasi siya sa mga nangyayari.

Nang marinig kong tumunog iyong cellphone ko, dali-dali ko itong kinuha at sinagot.
Naku!  nandiyan na yata siya.

" hello?  "
Sagot ko sa tawag.

" wala naman dito yong sinasabi mo,  sigurado ka bang dito mo iniwan? "

Tanong niya.
Wooohhh!  anong sasabihin ko?

" ahhh baka sa kabilang book store ko pala naiwan yon,  pwede ka bang pumunta saglit doon?  pleaseee"

Pakiusap ko habang sinesenyasan ang lahat na bilisan ang kilos.

" sige na nga pero last na to,  kung wala talaga doon yong sinasabi mo,  bili na lang tayo nga bago,  okay? "

Sabi niya.
Pumayag na lang ako tiyaka agad binaba iyong cellphone.

" paparating na ba siya? "

Tanong ni Jona habang nakahawak ng sandok,  sila kasi ni nanay Tessie ang nakatoka sa pagluluto.

" hindi pa,  may 30 minutes pa tayo, kaya double time guys! "

Sigaw ko.

Agad namang bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho ang mga kasama ko.
Nagpatuloy sa pagsasabit ng tarpulin sina Jepoy at Anton,  nagpatuloy naman sa pag-aayos ng mga table sina Carlos at Alex.

" p*nyeta naman ang lagari na to!  bakit napakatalim! "

Dinig naming mura ni Mars habang hinihipan ang nasugat na kamay dahil sa lagare.

Teka?  saan ba niya gagamitin yong kahoy na nilalagare niya?
Hays,  ewan bahala siya diyan.

" Okay na ang mga pagkain,  ilalatag na namin sa mesa "

Saad ni nanay Tessie kaya pinuntahan ko na sila at tinulungan.
Pagkatapos non ay inayos ko na iyong mga gagamitin para sa laro mamaya.

" Yen,  wala talaga,  pauwi na ako,  ibinili na lang kita ng bago"

Sabi niya kaya muli na naman akong nagpanik.
Woooh!  paparating na siya!

" sige, thank you,  ingat ka sa pagmamaneho "

Huli kong sabi tiyaka muling ibinalita sa lahat na pauwi na siya.

" excited na ako!!  "

Sigaw ni Bea habang yumayakap sa akin.
Sana naman hindi pumalpak ito,  effort namin to lahat eh.

" sandali?  asan yong mga bata? "

Tanong ko kay Bea kaya agad naman niyang pinuntahan iyong mga bata sa kuwarto nila para makapaghanda na.

Eksaktong alas tres ng hapon narinig na namin ang sasakyan na tumigil sa labas ng gate.
1






2








3







" SURPRISE!!!!  "

Sabay-sabay naming bati sa kararating.
Tulala ito at hindi nakapagsalita.

" congratulations daddy pogi!! "

Sunod na saad ng dalawa naming makukulit na babies.
Si Jim at Jana.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon