(Yen)
Naglakad ako papalapit sa table na kinaroroonan niya.
" kanina ka pa? "
tanong ko habang umuupo
" oo kanina pa ako naghihintay, g*ga! halos maubos ko na nga itong inorder ko wala ka parin, muntik na nga kitang layasan."
Mas lalo akong natawa dahil pati pala sa pagsasalita ay ganon pa rin siya.
" o tatawa-tawa ka pa.. "
" oh I'm sorry haha I just missed your way of talking haha wala kasi akong nakaka-usap na ganiyan "
Nagulat ako ng bigla niya akong batukan.
Oh gush! nakakahiya! baka may makakita sa aking istudyante ko." hahahah! ako rin no! namiss din kita! namiss ko yong mga away natin "
After ng kumustahan stage namin ay umorder na lang muna ako ng food para sa amin ni Mars.
Kahit na katatapos lang niyang kumain ay hindi na siya umayaw noong sinabi kong oorder ulit ako ng pagkain para sa kaniya.Lakas lumamon ng babaeng to, parang hindi na niya 40.
" nakausap ko na pala yong kapitan ng barangay namin at pumayag na siya, napirmahan na rin pala niya yong nga kailangang dokumento para sa stretch program niyo"
Natuwa naman ako sa balita ni Mars. Maliban na lang sa Stretch program.
" Outreach program, hindi, strech program. Ilang ulit ko bang sasabihin yon sa yo? "
" wala akong paki! atleast may program "
" hahaha sige na nga.. "
Baliw talaga to, laging pinagpipilitan ang gusto kahit na mali naman.
Hayaan mo na nga, ang mahalaga eh maayos na ang lahat at handa na para sa susunod na linggo." sandali, bakit nga ba sa dinami-rami ng mga barangay dito sa atin eh sa amin pa ang napili mo? "
Tanong niya.
Hirap naman sagutin ng tanong niya" oh right..kasi yong vission mission ng program na ito ay para tumulong sa mga nangangailangang baranggay at elementary school, tsaka kapartner din kasi namin ang office of the congressman para rito kaya may isasama rin kaming medical mission team at libre to "
Hindi ko alam kung naintindihan ba niya yong explanation ko dahil nakanganga lang siya doon na parang nag-iisip pa rin hanggang ngayon.
" May mga libreng gamot din ba? "-Mars
" oo naman "
" eh libreng serbisyo "
" oo, kasasabi ko lang diba? "
" mabuti "
Tumatango niyang pahayag tiyaka muling kumain.
Takaw naman niya." Magdadala rin ba kayo ng mga libro doon? "-Mars
" yup, maraming nagdonate kaya maraming madadalang libro sa school niyo "
" mabuti "
Dahil sa hindi ko maipaliwanag na curiousity, natanong ko bigla si Mars kung may problema ba, medyo unusual kasi yong mga tanong niya.
" may problema ba sa inyo? "
Tanong ko.
" marami na kasing nagkakasakit sa amin dahil sa bagyo na sumalanta, pati nga mga paaralan namin eh napasok din ng ulan kaya nabasa halos yong mga librong ginagamit ng mga bata "
Nakaramdam ako ng lungkot at awa sa mga sinabi niya.
Kaya pala ganon na lang siya ka saya noong sinabi kong balak kong mag-outreach program sa barangay nila.
