CHAPTER 13

18 9 0
                                        

(DANTE VILLARDEZ)

Maka-ilang beses na rin akong nagpalakad-lakad sa loob ng aking opisina habang naghihintay sa mga susundo sa akin.

Muli kong chi-neck ang oras sa aking relo,
sampung minuto na ang huli nila sa itinakdang oras.

Walang ano-ano'y bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki.

" let's go"

Aya niya sa akin.
Sabay kaming naglakad palabas ng opisina.

Napakadilim, halos lahat kasi ng ilaw ay sinadya kong patayin at ang mga ilaw lang dito sa hallway ang nakabukas.

" sigurado bang wala kang kasama rito? "

Tanong niya habang nangunguna sa paglalakad.

" wala na, maaga ko silang pina-uwi"

Sagot ko naman.
Nagulat na lamang ako ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at may ipinindot sa kaniyang relo.

" may nararamdaman akong kakaiba "

Pabulong niyang saad.
Sa hindi inaasahan, bigla na lang akong nakadama ng nerbiyos.

Nagmasid ako sa paligid pero wala naman akong nakikita.

" makinig ka sa sasabihin ko"

Muli ay pabulong niyang sabi.
Lumapit pa ako sa kaniya ng kaunti upang marinig kung mabuti kung ano man ang kaniyang mga sasabihin.

" Kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka kaagad papunta sa bintana sa kanan at may taling nakaabang doon.

Gamitin mk iyon para makababa ka at may naghihintay ng sasalo sa iyon doon"

Paliwanag niya.
Dahil doon ay mas lalo akong kinabahan.

Bababa ako gamit ang tali?

" puwede ba akong mag-elevator na lang? "
tanong ko.

Hindi nga ako mamamatay sa kamay ni Suarez, mamamatay naman ako sa atake sa puso.

" gusto mo bang matrap sa elevator? maaaring puwedeng mangyari sa yo don"

Kasama ng nakakatakot na tinig niya ay ang seryoso muli niyang paliwanag.

Konting hakbang palang namin ay buglang namatay ang ilaw.
Anong nangyari?

wala akong makita...

" sabi ko na nga ba.. "
Narinig kong sabi ng lalaking kasama ko.

Kinurap ko ng maka-ilang beses ang aking mga mata tiyaka lamang naka-aninag ng kaunting vision.

Mabuti na lang at may ilaw sa labas na tumatagos sa mga bintana kaya't may ilaw pa rin naman kahit papaano.

Walang ano-ano'y may mga yabag na kaming narinig na mistulang papalapit sa amin.
B-bakit wala a-akong m-makita?

Nangatog ako sa kama at kakaibang takot.
Wala akong bodyguard kaya ganon na lamang ang pag-aalinlangan ko.

" vice mayor, takbo!"

Signal niya sa akin sabay hugot ng nakasukbit na baril mula sa pantalon.

Mga malalakas na putok ng baril ang aking narinig habang tumatakbo papnta sa bintana.

Malakas at napakalamig na hangin ang
sumalubong sa akin pagkalabas ko non.

Sa gilid ng bintana, may tali akong nahablot at dahan-dahan ko iyong ginamit para makababa sa unang palapag.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon