CHAPTER 27

11 2 0
                                        

( JASON )

Nanginginig sa galit akong pumasok sa kotse ko.
Ayoko na!!!
Hanggang ngayon ba naman?
Hanggang ngayon ba naman kay Yen!
Kaagaw ko pa rin ang Rodriguez na yon?

Sawa na akong makipagkompitensya sa kaniya! kasi alam kong sa huli ay ako lagi ang talo.

(FLASHBACK)

" Kailan mo ba aayusin ang pag-aaral mo? ilang beses na akong napapahiya dahil sa iyo!"

Galit na bulyaw sa akin ni dad ng makapasok ako sa opisina niya.
Galit na naman siya.
What's new?

" sinasayang ko lang yata ang pinapaaral ko sa iyo eh, mabuti na lang yata eh tumigil ka na "

Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Hindi! matagal kong pinaghirapan ito, kung kailan ga-graduate na ako.

" but dad! I'm really doing the best that I could, maybe it's time to admit that I can't be on top.. "

Paliwang ko.

Nagbago bigla ang awra ni dad ng may pumasok na kasamahan niyang doktor, actually teacher kong doctor.

" Let's talk later, you may go "

Saad niya.
Agad akong nagpaalam at lumabas.

Ka-aanounce lang kasi yong mga nag top sa DL ( deans lister ) sa school namin (medical school) at third ang rank ko.

Kung dati ay second ako, ngayon mas lalo akong bumaba at pangatlo na lang.

Nag-alburuto na naman tuloy yong tatay kong mataas ang expectations sa akin.

" congrats Jason! "

bati sa akin ng isa kong barkada

" salamat "
nakangiti ko namang sagot

Pumasok kami sa loob ng classroom at doon namin naabutan ang mga kaklase kong nagkukumpulan sa tabi ni Ford.

" oh! saan tayo mamaya? Mr. DL? "

Masaya nilang tanong kay Ford.
Siya na naman kasi ang first.

SIYA NA NAMAN!

" sa bahay na lang siguro, magpapaluto na lang ako kay mama, gusto niyo? "

Sagot niya.

Habang masaya silang nagkukwentuhan nagulat ako ng lapitan niya ako.

" sama ka Jason? "
Pag-aaya niya

" huwag na lang, nakakahiya "
huwag na, maiingit lang ako

" hindi, ayos lang "

" huwag na, baka may celebration din kami mamaya"

kahit alam kong wala naman talaga

" ahh Sige, congrats na lang "

Nakangiti siyang umalis at bumalik sa upuan niya.

Limang minuto bago magsimula iyong klase, dumating si Melanie.

Kaklase kong matagal ko ng gusto.
Nag-ayos ako ng upo at buhok para naman mapansin niya ako.

" good morning Mel "

bati ko

" good morning din "

Tugon niya pero ni isang congrats man lang ay wala akong narinig mula sa kaniya, sa halip ay dumiretso siya sa upuan ni Ford at binigyan niya ito ng isang regalo.

" sabi ko na nga ba, ikaw ulit ang mag-na-number one..
Congratulations"

Abot tenga niyang ngiti sabay sabi kay Ford non.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon