(YEN)
Alas sais ng umaga, nagising ako dahil sa naramdaman kong bumangon si Bea na katabi kong natulog.
Akala ko noong una ay maaga na ang gising ko pero late na pala.
Marami pang mas nauna sa aming gumising.
Sina Jason na nag-aayos na ng gamit para sa pagsisimula ng medical mission, mga nanay na nagluluto na, mga volunteers na nagtatayo ng tent para hindi mainitan ang mga magpapa-check up at mga kalalakihan na nagmamartilyo sa mga sirang bubong ng paaralan kabilang na si Ford.
Actually, kami lang yata ni Bea ang late gumising.
Mabilis akong bumangon at nag-ayos.
Matapos maligo ay agad akong nagtungo sa mga kasama kong teachers upang mag-repack ng mga maidodonate na school supplies sa mga bata.
Pagkatapos ay sinimulan ko ng buhatin ang mga karton ng mabibigat na libro papunta sa stage para doon na lang sila pipila mamaya at para organized.
Medyo malayo ang stage kaya dahan-dahan kong inilalakad ang mabigat na karton, baka kasi madapa ako pag binilisan ko.
Habang marahang naglalakad, nagulat ako ng may dumating at inagaw ang buhat-buhat ko.
Ano bang problema ng isang to? mang-aagaw---------- sandali-----
" Ford? "
gulat kong sabi ng makita ko siya..
Ipinahawak niya sa akin ang dala niyang isang supot na may lamang mga gulay at sibuyas.
Sa hindi ko alam na kadahilanan, kinuha ko naman iyon at
nakatanga lang akong sumusunod sakaniya habang mabilis siyang naglalakad papunta sa stage.
Nakakagulat kasi, bigla na lang siyang sumusulpot.
" buti kilala mo pa pala ako "
Sabi niya.
Aba malamang! paano ko siya hindi nakikilala eh siya lang naman ang nag-iisang tao na dumukot sa akin at ginawa akong preso ng ilang buwan.
" salamat "
Saad ko ng mailapag na niya sa stage ang karton.
" wala ka na bang bubuhatin?"
Tanong niya.
Sasabihin ko bang meron pa o wag na lang kasi nakakahiya kasi nagpapabuhat ako sa isang kapitan.
Pero hindi ba mas nakakahiya kung abutin ako ng umaga dito para lang sa pagbubuhat ng karton ng mga libro?
" meron pa sanang limang karton ehh "
Sagot ko.
Sorry, I really need help.
Siya naman nag-oofer ng tulong eh.
" saan nakalagay? "
" sa section 4a-Matipuno "
Tumango lang siya.
" Ako na ang magbubuhat doon"
" talaga? salamat ulit "
" pero dalhin mo yan sa kusina, kanina pa nila hinihintay"
Pahayag niya tsaka na naman ako iniwan.
Bakit ba napaka-cold niya sa akin? may kasalanan ba ako don sa lalaking yon? If I know! siya pa nga ang may kasalanan sa akin 5 years ago..
Wala na akong nagawa, sinunod ko na lang ang utos niya.
Nagdire-diretso ako sa may kusina upang dalhin ang mga gulay.
" excuse me po, nandito na po yong gulay.. ipinadala po ni Ford.. ay este Kapitan Ford "
Sambit ko upang mapansin ako ng kung sino mang nagluluto sa kusina.
Humarap sa akin ang isang matandang babae at sa gulat niya, muntik na niyang nahulog ang sandok na hawak niya.
