CHAPTER 1

55 9 0
                                        

"Yen, anak... nasan ka na?"

narinig kong sigaw ni yaya Fe mula sa labas ng aking kuwarto. Madalas ko kasi siyang pagtaguan sa tuwing oras na ng pag-inum ko ng gamot. Gamot na nakakasuka dahil lasang pinaghalo-halong suka, asin, asukal, at paminta, nakakasugat din ng lalamunan dahil malalaking tabletas. Mabuti sana kung isa o dalawa lang pero marami eh, hindi ko na nga mamemorize yong mga pangalan.

"Anak naman, huwag mo ng pahirapan si yaya.Lumabas ka na riyan at uminom ka ng gamot mo. Kailangan mo ito para gumaling ka, di ba ayaw mo nang sumakit ang tiyan mo? dali na Yen, inumin mo na ito."

Mukhang papalapit na si yaya sa kuwarto ko kaya naghanap na ako ng ibang matataguan. Napako ang tingin ko sa aking kama, isiniksik ko ang aking sarili sa silong at nagsumikap na hindi makagawa ng kahit anong ingay. Bumukas ang pintuan at pumasok na nga si yaya sa loob dala-dala ang tray ng sandamakmak kong gamot.
"Yen, magpakita ka na. Huwag ka ng makipagtaguan sa akin. Pinapagod mo nanaman si yaya eh"

Narinig kong inilapag niya ang tray sa mesa at nagsimula nang maglakad papalapit sa aking kama. Nakikita ko ang mga paa niyang naglalakad papalapit sa akin pero napatigil siya ng matapakan niya ang isang bagay, iyong wig ko!

Napahawak ako sa aking ulo at doon ko napansing nalaglag nga kanina ang paborito kong wig.

Hindi ko alam pero simula nong pumunta kami sa ospital ay nagsimula nang malagas ang mga buhok ko hanggang sa tuluyan na nga akong makalbo.

Sabi naman ni dad, sanhi daw ito ng gamot na iniinum ko, mabuti raw ito upang mawala na ang pananakit ng tiyan ko.

Akala ko ay palalabasin na ako ni yaya mula sa silong ng  kama dahil nahuli na niya ako pero ang pinagtataka ko ay hinayaan lamang niya akong manatili sa aking pinagtataguan at ibinigay pa niya sa akin ang wig na nalaglag ko kanina.

"Yen anak, kahit anong mangyari, huwag kang lalabas, magtago kang mabuti"
nakakikilabot niyang bulong.

Matapos non ay may mga yabag akong narinig papasok sa aking kuwarto, hindi ko na nagawang silipin kung sino ang mga ito dahil sa takot.

"nasan ang bata?" nagbabantang tanong ng isang lalaki kay yaya pero tahimik lamang ito at piniling hindi umimik.

"magsasalita ka ba, o pupugutan kita ng ulo?"

Mas lalo akong nagimbal sa sunod niyang sinabi. May mga tumulo na ring luha mula sa aking mga mata, sino ba sila? bakit nila pinagbabantaan ang buhay ni yaya Fe?

"magkasama sila ni sir na pumuntang Tagaytay kaya wala siya rito"

pagsisinungaling ni yaya. Pero parang hindi sila nakumbinsi sa sinabi niya kaya naglabas na sila ng mga baril at itinutok sa kaniyang ulo.

"Magsisinungaling ka pa eh narinig nga namin kanina na hinahanap mo siya rito. Ilabas mo na yong bata kung ayaw mong masaktan"

Napaatras si yaya hanggang sa matabig niya ang tray ng mga gamot ko sa ibabaw ng mesa.

" Ipinadala ba kayo ni Mayor Suarez?"
matapang niyang tanong

" wala ka ng paki alam doon tanda! ilabas mo na lang si Yen para matapos na ang usapang ito! dahil kapag hindi ako nakapagtimpi baka pasabugin ko na yang utak mo"

" walang kasalan iyong bata kaya huwag niyo siyang idamay dito! sabihin niyo kay Mayor na lumaban siya ng patas, huwag niyang gagamitin ang bata sa pagkapanalo niya! wala ba kayong mga anak? hindi ba kayo natatakot sa Diyos------------------------------------------"

Napapikit na lamang ako matapos kong masaksihan ang unti-unting paglabag ng katawan ni yaya sa sahig na may tama ng baril sa ulo. Bumilis ang kabog ng puso ko at wala nang ibang nagawa kundi ang yakapin ang aking wig at umiyak ng tahimik.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon