(Yen)
"ma'am Yen! nakita mo po si chairman? "Tanong sa akin ni Jepoy habang nagbabasa ako ng libro tungkol sa mga batang lumaki sa broken family, medyo nakakarelate kasi ako kaya naging interesado ako sa kuwentong ito.
" hindi eh "
Tugon ko habang tumitingin sa relo ko.
Pasado alas otso na ah? Akala ko ba ay matatapos agad yong meeting nila ng alas otso?" bakit? anong kailangan mo sa kaniya? "
Muli kong tanong dahil pakiramdam ko ay importante yata ang sasabihin niya.
" may mga papel po sana akong ipapapirma para sa scholarship ko "
nakangiti niyang saad
"wow naman, so mag-aaral ka na ulit.. maganda yan Jepoy "
Natutuwa kong sabi.
"puntahan mo siya sa barangay hall, baka nandoon siya"
suwestyon ko dahil parang madaling madali na siya
"yon nga po, may isang requirement pa po kasi akong ginagawa, wala na po akong oras pumunta pa sa barangay hall?"
saad nito
Dahil doon ay bigla akong natuwa dahil sa isang ideya na naiisip ko.
OMG Yen! Bakit mo ba yan iniisip"ako na lang ang magpapapirma"
Formal kong sabi.
Tuwang-tuwa naman siyang nagpasalamat sa akin at ibinigay ang mga kopyang dapat kong ipapirma.Naglakad ako papunta sa barangay hall na excited dahil ito ang unang pagkakataon na makakapasok ako roon.
Nakangiti akong pumasok sa loob at nakahanda na rin sa speech na sasabihin ko kay Ford ng bigla itong naglaho lahat dahil sa hindi ko inaasahang eksena.
" Kap.. huwag mo naman itong gawin sa akin.. inayos ko ang buhay ko para sa yo.. "
Rinig kong sabi ng isang babae na nakayakap kay Ford, silang dalawa lang ang nasa loob at wala na ang ibang mga kagawad.
Para hindi nila ako makita ay nagtago na muna ako sa likod ng pinto at nagsumikap na hindi makagawa ng kahit anong ingay.
"ayusin mo ang sarili mo para sayo at hindi para sa akin"
sagot naman ni Ford sa babae
" pero hindi ko talaga mapigilan, ikaw lang talaga ang gusto ko.. Ikaw lang... wala na akong-------"
natahimik ang buong paligid dahil sa ingay na dulot ng isang malaking aso....
Isang malaking aso na tinatahulan ako..."shhhhh wag kang maingay.. mahuhuli ako rito eh... "
Bulong ko sa aso pero lalo pa itong lumapit sa akin at binalak pa akong undayan ng kagat...
Ahhhhhhhh!!!! wala akong balak mamatay sa rabies please... ilayo niyo na ang asong ito.. napakalaki pa man din.
"Yenny! no! umalis ka diyan"
malakas na sigaw ni Ford sa aso ng maabutan niya kaming muntik ng magrambol.. Actually yong aso lang naman ang may balak na awayin ako
linubayan naman ako ng aso ng makita niya ang kaniyang amo, umalis ito sa harapan ko at lumapit kay Ford
dahil sa kahihiyan, hindi ko na nagawa pang tumingin ng diretso sa mata ni Ford, lumabas ako mula sa pagkakatago
nakita ko na namang muli iyong babae na nakatayo sa dati niyang puwesto kanina at mukhang tuod na nakatingin lang sa amin
a-anong nangyari?
" pasensya na Gail pero may kailangan pa akong asukasuhin, pwede ka ng umalis"
napaka-cold na sambit nito sa babaeng kalandian niya kanina
naluluha namang umalis ang babae, wrong again, wrong timing na naman ako
" what do you need? "
diretso niyang tanong sa akin
susungitan na naman ba niya ako?"m-may i-ipapapirma r-raw si J-Jepoy"
sabi ko, bakit ba ako nauutal...
inabot ko sa kaniya iyong mga papel at agad naman niya itong binasa at nagsimulang pirmahan
" huwag mo ng isipin yong nakita mo kanina "
sabi niya sa kalagitnaan ng kaniyang pagpipirma
bakit ba kailangan pa niyang sabihin yon? wala naman talaga akong paki-alam
" bakit ko naman iisipin yon? wala na akong paki-alam sa pribado mong buhay "
pagalit kong sabi
"talaga? "
tanong niya
wow! so hindi pa siya naniniwala? kapal niya ahhh" oo! wala talaga! "
paninigurado kong sagot
"atsaka bakit ko naman iisipin yon? kahit ano pang gawin mo ay wala naman akong paki-alam eh.. buhay mo yan kaya bahala ka kung sino man ang gusto mong yakapin at halikan
Bahala ka-------------------hmp! hmp! "natigilan ako sa pagsasalita dahil sa bigla niyang paghalik sa akin
Sinubukan ko pa siyang itulak pero napaka lakas niya..
Mapusok ang mga halik niya na para na akong nalulunod dahil sa kakaibang sensasyon na dala nito sa bawat himaymay ng aking katawan.Sa kabila ng pagmamatigas ko sa mga halik niya ay nagawa pa rin niya akong mapalambot.
Nanlambot ang mga tuhod ko at napahawak na ako sa batok niya para makakapit at ng hindi ako matumba.Nang-aakit ang bawat halik na iyon kaya hindi ko na napigilan pang tumugon,
Mga maiinit na halik ang pinagsaluhan namin.
Dahil sa hindi ko na talaga kayang tumayo, dinala niya ako sa chairman's chair at pina-upo niya ako roon habang ipinagpapatuloy namin ang nag-iinit naming halikan.Matapos non ay sabay kaming naghiwalay na naghahabol ng hininga.
Wala akong masabi ni isang salita, nakatitig lang ako sa kaniya habang nakatitig lang din siya sa akin." bakit hindi mo agad sinabi na ako pala ang first kiss mo"
tanong nito sa malamyos na tono pero sa kabila ng pagsasalita niya ay hindi pa rin ako nakasagot
" don't worry, she's not my type cause my ideal girl is already in front of me "
dugtong pa niya sa sinabi niya kanina tiyaka ako hinalikan sa noo
wala talaga akong masabi, lahat ng speech na naihanda ko noon ay biglang naglaho dahil sa nararamdaman ko ngayon
sabi ko noon ay magagalit ako sa kaniya pag nakita ko siya pero ngayon iba na ang nangyayari.mga luha ang tanging naisagot ko sa mga sinabi niya, niyakap ko siya ng napakahigpit at umiyak ng umiyak
"ansama mo Ford! napakasama mo! "
Sabi ko sa kalagitnaan ng pag-iyak ko
" bakit? "
tanong niya na parang natatawa
" kasi lagi mo akong sinusungitan, lagi mo akong inaaway, akala ko tuloy ay ayaw mo na talaga sa akin "
parang batang nagtatampo kong sabi
mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin at hinaplos haplos ang buhok ko" nagseselos kasi ako kay Jason "
saad niya"hindi mo naman ako kailangang sungitan ah"
sumbat ko naman" cute mo kasi pag nagagalit "
sambit niya tiyaka pinisil ang pisngi ko
"sorry na po ma'am Yen, simula po ngayon ay magiging mabait na po ako sa inyo"
nakangiti niyang dugtong
Bumalik ako sa school na parang lutang at pangiti-ngiti
Nagtaka nga si Jepoy sa bigla kong inaasalGanito na ba talaga ang feeling ng inlove? ngayon ko lang ulit ito naramdaman since five years ago with the same person.
-HisPrisoner-
TheEncryptionist