(Yen Villardez)
Matapos magluto ni nanay Tessie,
hindi na ako nagsayang pa ng panahon at dinala ko na ito sa kuwarto ni Ford.Alam kong gutom na iyon, tanging dextrose lang ang bumuhay sa kaniya sa loob ng dalawang araw niyang pagtulog.
Pumasok ako sa loob at dahan-dahang inilapag sa mesang nasa mismong harapan niya ang tray ng pagkain.
Bumangon siya at tumingin sa akin.
"Stay here untill I finish" banggit niya.
Lumaki na naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Ang gusto ba niya ay ang panoorin ko siyang kumain tulad ng isang katulong?
Hello? duhhhh? sa tanang buhay ko ay hindi ko iyon pinangarap no!
Sa lahat ng nakatago kong reklamo, hindi rin naman ako nakapalag at basta sinunod ko na lang ang kaniyang sinabi.
Tumayo na lamang ako na parang tanga sa gilid habang pinapanood ang kaniyang napakasarap na pagkain.
Bakit ganon? parang nakakaenganyo yong paraan niyang magsubo.
"kumain ka na ba?" nakakagulat niyang tanong.
Napaisip ako bigla, oo nga pala hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga.
"hindi pa"
mahina kong sagot."halika dito"
utos niya.Hala! ano nanaman ba ang ipapagawa niya sa akin?
Naglakad ako at pumwesto sa tabi niya.
"umupo ka" aniya.
Siyempre umupo naman ako.
"mas malapit" utos na naman niya.
Unting unti na lang talaga baka mabukulan na ito sa akin.
Nakakainis, utos ng utos.
Ako nga sa bahay hindi inuutusan tapos pagkarating ko rito nagiging sunod-sunuran naman na ako.Nagkakamot ng ulo na lamang akong umupo sa tabi niya.
Hindi siya nagsalita basta't nakatingin lang siya sa akin."ah.. ibuka mo yang bibig mo"
Sabi niya kaya sinunod ko naman.
Naramdaman ko na lang ang pagsubo niya sa akin ng kutsara na punong-puno ng pagkain.Dahil doon ay hindi ako nakapagsalita, pinagtiyagaan ko munang nguyain ang pagkain sa loob ng aking bibig.
"ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom, ohh isa pa, ibuka mo yang bibig mo"
Muli ay nilagyan na naman niya ng napakaraming pagkain ang bibig ko kaya wala na naman akong nasabi.
Infairness! napakasarap talaga ng luto ni nanay Tessie.
"gusto mo bang magkasakit? bakit ba palagi na lang pinipilit sa iyo ang pagkain? huh! isa pa!"
Siyempre, ngumanga na naman ako para sumubo.
Mabuti na lang at sa pagkakataong ito kaunti na lang ang laman ng kitsara kaya nagawa ko ng magsalita."nalimutan ko lang naman, hinihintay kasi kitang magising kanina, tapos noong nagising ka, nakaligtaan ko na talagang kumain"
Pagpapaliwanag ko habang sinusubo na nanaman iyong laman ng kutsara sa kamay niya.
Bakit ba siya nagmamadali, hindi naman ako kasing bilis niyang ngumuya.
" Sa susunod kapag hindi ka na naman kumain sa tamang oras, paparusahan na talaga kita."
Seryoso niyang sabi.
Naalala ko tuloy si Alex, siya kasi ang nagpasimuno sa usapang punishment eh.
