CHAPTER 15

12 9 0
                                        

(YEN)
" huwag ka ng mahiya, bakit ka ba lumalayo "

Nakakamanyak na sambit ni Atty. Lopez habang lumalapit sa akin.

Tahimik lamang akong umaatras nang umaatras habang siya'y lumalapit nang lumalapit.

Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari sana ay hindi na ako pumayag sa kalokohan ni Mars!

Akala ko ay itatable lang ako ng matandang hukluban na ito eh bakit dinala naman niya ako sa isang hotel at ngayon ay balak na akong gahasahin.

" a-atorney---- wala po sa u-usapan          n-natin ang ganito"

" wala sa usapan natin kanina, pero ngayon...meron na "

Napasigaw na lang ako ng napakalakas dahil sa ginawa niyang paghipo sa hita ko.

Waaaaahhhhh!!!!!
ano ba tong napasok ko!!



(10 hours before the incident)

" sama ako "

" ayoko"

" sige na"

" hindi nga puwede Yen, kulit ah"

Napasimangot na lang ako dahil sa ka-istriktuhan ni Ford sa akin.
Gusto ko lang naman makita kung paano siya manggamot.

Sa kabila ng pagbabawal niya sa akin ay sumunod pa rin ako sa kaniya.

" Yen"

" magbe-behave ako promise!"

sabi ko na may pataas taas pa ng palad na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas.

" Yen "

" please? "

" no"

" bakit ba ayaw mo? "

" baka mabilib ka lang "

" wow! yabang "

" baka makita mo bigla yong skill ko tapos ikalat mo, mahirap na baka----"

" mashowbiz?"

Tumahimik siya tiyaka natawa.
Galing ko talagang manghula ng mga linya, sa katunayan ay laos na kasi yon.

Sa huli ay wala rin siyang nagawa, pumasok kami sa isang kuwarto kung saan namimilipit sa sakit si Alex at Mars.

" masakit pa rin ba paa mo?"
tanong ni Alex kay Mars.

" malamang t*nga ka ba! nabaril tayo diba? "

" yon nga eh, nabaril tayo at hindi ako ang bumaril sa yo kaya bakit mo ba ako sinisigawan? bakit ka nagagalit sa akin?"

" kasi napakakulit mo! tanong ka ng tanong eh alam mo na ngang masakit paa ko"

" paa mo naman ang masakit di ba? hindi bibig "

Unang tinignan ni Ford ang kalagayan ni Alex, mukhang ito kasi ang napuruan ng sobra.
May tama kasi ang kanang braso at kaliwang binti niya.

" saan ba kasi kayo galing?"
tanong ko kay Alex pero hindi man lang niya ako sinagot o tinignan.
Oo nga pala, galit nga pala to sa akin.

Tatanungin ko sana si Mars pero narealize kong kaaway ko rin pala siya.

" galing sila sa opisina ni Mayor Suarez "

sabi ni Ford.

" anong ginawa nila doon? " tanong ko

" kukunin sana nila yong flashdrive na pinaglagyan niya ng mga files tungkol sa corruption niya"

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon