CHAPTER 9

18 8 0
                                        

(Ford Rodriguez)

Nauna akong lumabas ng kotse at agarang pinuntahan ang bahay ni vice mayor Villardez.

Iniwan ko munang look out sa labas ng bahay ang mga kasamahan ko.

"Sino ka? may appointment ka ba kay vice mayor?"

Tanong ng security guard na humarang sa akin sa gate.

" Kaibigan ko si vice mayor, papasukin niyo ako" pagsisinungaling ko.

Napatingin ang body guard sa kaniyang mga kasama na  para bang nagtatanong kung papapasukin ba ako o hindi.

Sabay-sabay silang palihim na umiling at tumingin sa akin.

" Pasensya na pero hindi puwede.
Busy si sir at may ka-meeting siya ngayon, bumalik ka na lang sa susunod na araw "

Napapangiwi niyang saad.

"Sino bang kasama niya sa loob ngayon? sinong ka-meeting niya?"
pagliliko ko sa usapan.

Sa ikinikilos niya, pansin ko ng may kakaiba.

" si... si Councilor Cheng.. may pag-uusapan kasi sila tungkol sa isasagawang kampanya" pahinto-hinto niyang sagot

"eh bakit ngayong malalim na ang gabi tiyaka siya makiki-pagmeet kay vice mayor? puwede namang bukas o kaninang maliwanag pa?"

Hindi siya nakasagot agad sa tanong ko.

Muling nag-iisip ng ipapalusot.

" kasi nga busy sila pareho at ngayon lang ang free time nila para mag-usap,

bakit ba napakarami mong tanong?! umalis ka na nga!"

Umiiwas at kinakabahan niyang pagtataboy sa akin.
Ngumiti ako at muli siyang binato ng panghuling tanong.

" bakit nga pala  may meeting si vice mayor at councilor Cheng eh sa pagkaka-alam ko magkaiba sila ng partido?

Lumipat na ba siya ng partido? "

.
.
.
.
.

.

"huh? magkaiba ba sila ng partido?

ahhhhh

ahhhh

hindi pala si councilor Cheng ang kausap niya....

si Councilor Gamboa pala....

Nalito lang ako kanina..... "




Booom!

Huli ka!

Ipinindot ko ang alarm na nakakabit sa aking relo.

Konektado rin ito sa relo ng aking mga kasama kaya't hudyat non ang sabay-sabay nilang paglusob.

Paano ko nga nahuli ang pagsisinungaling ng gung-gung na iyon?

Simple lang


Nagtanong ako ng kung ano-anong tanong na magpapalito sa kaniya.

Tiyaka ko sinabing hindi pareho ang partido ni vice mayor Villardez at councilor Cheng kahit na sa totoo lang ay pareho naman talaga.....

Hanggang sa nagpalit na naman siya ng statement at sinabing si councilor Gamboa pala ang ka-meeting niya.


Doon ko siya nahuli at napansing hindi talaga sila tauhan ni vice mayor.

Habang hinihintay ang aking mga kasama na lumusob sinimulan ko na muna ang laban.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon