(Yen)
" Yes dad? "
Sagot ko sa tawag ni dad sa aking phone na kanina ko pa pala hindi napapansin dahil sa sobra kong pagka-busy.
" hindi ka ba pupunta sa birthday party ng dad mo? baka hanapin ka ng mga relatives natin doon "
Nangongonsensyang tanong niya sa akin.
Paano nga ba to?
May lakad din kasi ako mamaya, hindi ko naman kayang hatiin ang sarili ko." ahh kasi dad---- don't worry I'll be there "
Nag-aalangan kong sabi. Kung hindi lang sana importante ang taong ka-meeting ko mamaya ika-cancel ko na sana.
Masayang nagpa-alam si dad sa akin at inulit-ulit pa niyang pumunta ako dahil yon ang sinabi ko.Bahala na mamaya. I hope matapos agad yong meeting ko.
Pagkatapos ng tawag, muli kong itinuon ang aking pansin sa plano ng gaganapin naming outreach program para sa mga kinder garten school.
Isa kasi ito sa mga pinagkaka-abalahan ko sa ngayon.
Bukod sa sarili kong school ay gustong- gusto ko rin talgang tumulong sa mga nangangailangan na iba pang school lalo na sa mga liblib na lugar.Ito na ang naging buhay ko matapos ng lahat ng nangyari 5 years ago.
Ipinagpatuloy ko ang matagal ko ng pangarap, ang maging isang pre-school teacher at magkaroon ng sariling school para sa mga maliliit at cute na bata.Nahirapan nga lang akong mag-move on lalo na't ang lahat ng nangyari noon ay hindi pa rin mawala-wala sa mga balita ngayon.
Hanggang ngayon ay malaking balita pa rin ang mga pangongorakot ni Suarez na kasalukuyang nagtatago ngayon sa ibang bansa.
Wala pa ring makakatalo sa kaniya pagdating sa paggawa ng kasalanan. Ngayon siya naman ang wanted na pinag-hahanap ng batas.
Matapos isiwalat lahat ng kampo ni Lydia Vicente ang baho ng hayop na yon, mas lalong bumango ang pangalan ni dad at kasabay non ang pagka-linis ng pangalan ni Ford.
Naalala ko na naman tuloy siya.
Ford Rodriguez
Nasan na kaya yon?
ano na kayang pinagkaka-abalahan niya? is he doing fine?Is he married? or still single...
Limang taon na rin kasi akong Walang balita sa kaniya.
Naaalala pa kaya niya ako?" Good afternoon Yen, you look so busy huh "
Napabalik ako sa reyalidad dahil sa lalaking biglang nagbukas na lang ng pinto ng opisina ko. Hindi ba uso sa kaniya ang katok?
" ohh yah! malapit na kasi yong date ng outreach program, eh kailangan ko ng tapusin lahat ng papers para hindi na hassle"
Tanging ngiti lang ang naisagot niya sa akin tapos ay tumitig na lang siya bigla.
Gush! ganyan siya lagi.
Minsan nga nafi-feel ko na ang awkwardness dahil sa katititig niya sa akin." Jason? what wrong? may dumi ba sa mukha ko? "
Tanong ko para naman mafeel niya na hindi na ako komportable sa inaasal niya.
" ahh wala naman, I just find you so preety today "
So ngayon lang ako maganda? bukas hindi na? ano bang iniisip niya?
" huh? really.. I'll just take that as a compliment.. anyway bakit ka nga pala biglang napabisita dito? "
Pang-iiba ko ng usapan.
" right! nag-aalala lang kasi ako sa yo, nalaman ko sa friend kong doctor na nagpunta ka raw sa kaniya kahapon.. bakit? anong nangyari? nagpacheck up ka ba? bakit hindi ka sa akin pumunta, ano pang silbi ko bilang family doctor niyo ni Congressman? "
