(Ford Rodriguez)
"Ma, pa! Good news po!"
masaya kong sigaw sa aking mga magulang ng makarating ako sa kuwarto nila. Nakangiti nila akong sinalubong at nakinig sa aking sasabihin.
"makakagraduate na rin ako sa wakas, next month, first friday, may doktor na kayo! " sabi ko.
Tumingin sila sa akin ng may kagalakan at sabay nila akong niyakap.
" You never failed us Ford, you always made us proud. Sige, ika-cancel ko lahat ng appointment ko sa graduation mo para ako na mismo ang kasama mong rarampa sa stage"
Masayang-masaya na banggit ni dad.
Siya si Mayor Rodriguez sa mata ng sambayanan pero para sa akin, siya ang aking ama na handa akong suportahan sa lahat ng pangarap ko.
Sa katunayan, mas gusto sana nila akong maging sundalo kaya elementary palang ay nagsimula na akong mag-aral ng tae kwon do at pagdating naman ng high school, inenroll din nila ako sa isang mix marshall arts center.
Kaso nga mas natutunan kong mahalin ang pag-aalaga sa mga pasyente kaysa ang humawak ng baril at pumatay.
"Oo nga pala anak, para akong nahihilo kanina. Puwede mo ba akong kuhanan ng BP "
Sabi ni mama kaya agad naman akong pumunta sa aking kuwarto upang kunin ang aking mga gagamitin tulad ng stethoscope.
Habang hinahanap ko ito sa aking aparador may narinig akong kalabog sa kuwarto nina mama at papa kaya agad akong napatakbo roon.
Pagbukas ko ng kuwarto, ang kanina'y masaya at kakuwentuhan kong mga magulang ay wala ng buhay ng madatnan ko.
Puno ng tama ng baril ang iba't ibang parte ng kanilang mga katawan na naging dahilan ng pagbaha ng dugo sa sahig at sa kama.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa pagkakataong iyon dahil mag-isa ko at hindi makapag-isip ng maayos.
"ma! pa! " tanging mga salitang nasasabi ko ng paulit-ulit.
Mama at papa lang ang dalawang salitang inuulit-ulit ko sa mga pagkakataong iyon habang humahagulgul.
Sa gitna ng aking pagtangis ay may narinig akong kalabog sa labas ng kuwarto kaya napatayo ako mula sa aking pagkakalupasay at napatakbo palabas.
Dalawang lalaki ang naabutan kong patakas ng bahay at sa aking hinala ay sila ang kumitil sa buhay ng aking mga magulang.
Naalarma ako at nakipaghabulan sa kanila hanggang sa maabutan ko ang isa sa labas ng garahe samantalang nakatakas naman ang isa.
Sa galit at iba't ibang emosyon sa aking puso, ibinuhos ko sa kaniya ito sa pamamagitan ng mga suntok at tadyak ko.
Lumalaban siya pero wala na yatang makakatalo pa sa taong galit na galit tulad ko sa gagong tulad niya.
Malapit ko na sana siyang mapatay nang maglabas siya ng baril at itutok sa akin.
Ito ang baril na ginamit niyang pangpatay sa aking mga magulang at binabalak din niyang gamitin sa akin.Tulad nga ng sabi ko kanina, galit ako kaya ginamit ko iyon upang makipag-agawan ng baril sa kalaban.