CHAPTER 26

10 2 0
                                    

( Yen )

" Ma'am Yen! kain na po "

tawag sa akin ni Bea

Hindi ko na pala namalayan eh gabi na.
Busy kasi akong gumawa ng Power point presentation ko para bukas sa mga bata.

Bale isang buong linggo ang saminar ko sa kanila.
Per day eh may iba't iba akong topic so tomorrow, my topic would be about the importance of education for their future

" okay sige sunod ako "

Tumayo na ako at inayos ang aking nga gamit na sobrang gulo.

Naglakad  ako papunta sa kainan station ng makasalubong ko si Jason.

" can we talk later? after dinner? "

tanong niya

" about what? "

" You'll know later "

"  tell me now "

" Yen "

" I'm sorry Jason but if it's about your proposal again then no, My answer is already NO"

" please Yen! bigyan mo naman ako ng chance "

Oh poor Jason!
Hindi makaintindi!

" I'm sorry "

Dahil ayoko ng hintayin pa ang sunod niyang sasabihin, nagpasya na akong maglakad paalis pero makulit siya dahil pinigilan pa niya ako.

" Yen! I beg you "

Grrrrr!
Nangangain ako ng tao Jason!
Pag hindi ako nakapagpigil! KAKAININ KITA

" Please understand too, I have my plans, I have my decisions"

" just once! let's try it just once"

" no! "

" bakit? dahil ba sa kaniya? is this all about that man again? sinukuan ka na niya Yen! huwag ka ng umasa "

SABING NANGANGAIN AKO NG TAO EH! pinu-push ba niya ako sa aking limitations

" huwag mo siyang idamay, wala siyang alam dito "

Para hindi ako sumabog ng tuluyan, nilayasan ko na siya pero imbes na tumuloy ako sa kainan, bumalik ako sa room na tinutuluyan namin at doon nagmuni-muni.
Hindi naman ako umiyak, nalungkot lang.

Gago talaga ang Jason na yon, buwisit siya! pina-alala ba naman niya! actually matagal ko naman ng naalala, bigla lang kasing bumalik yong sakit

" Ma'am Yen, bakit po hindi kayo kumain? masama po ba ang pakiramdam niyo? "

Narinig kong tanong ni Bea ng makapasok sa loob ng kuwarto.

" wala, wala naman akong sakit, inaantok lang kasi ako"

sagot ko, sakto kasi nakahiga ako ngayon

" ahh ganon po ba? hinahanap ka po kasi ng iba nating kasama, nag-aalala na sila "

" sabihin mong ayos lang ako "

" sige po "

Huli niyang sabi tiyaka umalis.
Wala na rin naman kasi akong ganang kumain, pipilitin ko na lang matulog para pag nakabalik na yong mga kasama ko eh totoong tulog ako

" bumangon ka na diyan "

Bigla akong napamulat ng mata.
Tama ba ang naririnig ko?
Boses ba yon ni Ford?
pero anong ginagawa niya rito?
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nagkunwari pa rin akong tulog.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon