(YEN)
*Third day ng outreach program*
Inaya ako ni Bea na magpapicture sa tabi ng mga puno sa labas ng school.
Marami kasing iba't ibang klase ng puno roon
(Mayroong mangga, santol, star apple at bayabas)
at katatapos lang ng seminar ko sa mga bata." sandali Bea, parang maganda ang posing na ganito "
Sabi ko sa kaniya pero hindi niya masundan iyong sudgestion kaya kung ano anong posing na lang ang ginawa niya kahit pa nagmumuka siyang timang.
Hindi pa siya nakuntento at ninais pa niyang umakyat pa raw ng puno at manguha ng bunga ng prutas.
Kahit alam kung delikado ay pinayagan ko siya.Umakyat siya sa puno ng mangga at nakakuha siya ng limang piraso.
Noong una ay takot na takot ako para sa kaniya pero noong nakakuha siya ng prutas bigla akong nainggit.
" ako rin! gusto ko ring kumuha ng bunga ng star apple! "
Sigaw ko.
Tinulungan naman niya akong umakyat ng puno.Sa unang akyat ko ay nakakuha ako ng mahigit sa limang prutas ngunit kulang ko pa kaya't umakyat muli ako.
" ma'am! be careful! may nakita po akong insekto sa isang sanga! huwag niyo pong hahawakan iyon!"
Sigaw ni Bea sa akin ng makarating ako sa taas ng puno.
Naramdaman ko ang bigla kong pagpapanik at takot.
Sabing ayoko ng pakiramdam na ganito eh....
What if meron din dito sa likod ko? or dito sa ibang branches ng puno at baka mahulog or lumipad sa akin!!!NAPAKALAKAS NG IMAGINATION KO
" WAAAAAAHHHHH!!!!!"
Napakalakas kong sigaw habang mabilis na bumababa ng puno pero hindi ko pa nakakalahati ito ay bigla akong nadulas at nahulog.
Oo! nahulog ako na walabg sumalo ni sino sa akin.
Ramdam ko ang matinding pananakit ng aking paa matapos ang paglagapak ko sa lupa." MA'AM YEN!!! "
Super kabadong sigaw ni Bea kaya nagsidatingan ang ilan sa mga kasamahan namin.
" Kap. Si Ma'am Yen may pilay na yata "
Narinig kong sigaw ni Jepoy.
Walang ano-anoy naramdaman ko na lang ang isang taong nagbubuhat sa akin.Hindi ko siya makita dahil nahihilo na ako.
Parang kapag ibinukas ko ang mata ko ay iikot ang buong paligid." Yen! are you awake? Yen! answer me! "
Nagising bigla ang diwa ko sa boses na iyon.
Boses iyon ng taong may buhat sa akin.
Bakit siya na naman?
Bakit sa tuwing napapahamak ako ay siya na lang palagi ang nagre-rescue sa akin?Nararamdaman ko na masyado na akong pabigat sa kaniya.
Noon nga ay palagi akong ganito kaya sinukuan niya ako.
Hindi ko rin naman siya masisisi." Yen! gumising ka! you need to be conscious! "
Pinilit kong imulat ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Baka sakaling makatulong sa pagliligtas sa buhay ko kung makikicooperate ako sa kaniya." F-Ford... "
Hinang hina kong banggit sa pangalan niya para mapansin niyang conscious ako.
Kasalukuyan kasi niya akong itinatakbo papunta sa kung saan man niya ako dadalhin.Huminto siya matapos niyang marinig ang pagtawag ko sa pangalan niya.
" Listen to me Yen, huwag kang matutulog, please.... labanan mo, okay? "
Marahan niyang sabi.
Tumango ako para malaman niyang naiintindihan ko ang sinasabi niya.
Bago siya muling tumayo at maglakad nagulat ako ng bigla niyang ilapit sa akin ang mukha niya at hinalikan ako sa noo.
Like what?
Sabi niyang huwag akong pipikit tapos gagawin niya iyon?
Paano pag nahimatay ako dahil doon." emergency! "
Sigaw ni Ford sa mga doctor ng maipahiga niya ako sa kama ng clinic.
Agad namang dumating si Jason na gulat sa itsura ko." huwag mo lang siyang tignan! gamutin mo! "
Utos ni Ford.
Hanggang ngayon ay bossy pa rin siya.Nagmadali akong asikasuhin ni Jason, inuna niyang gamutin ang sugat ko sa ulo, nauntog din kasi ako kaya matindi ang hilo na nararamdaman ko.
Habang nililinisan niya ang sugat ko ay hindi ko na talaga kinaya.
Nagblack out na ang lahat at hindi ko na alam pa ang nangyari.
12
3
4
5
" Ma'am Yen? "
Tinig na nagmumula sa katabi kong babae ng magmulat ako ng mata.
Si Jona.Napahawak ako sa ulo ko dahil sa kirot na bigla kong naramdaman pagkabangon ko mula sa pagkakahiga.
" Ma'am Yen? musta po ang pakiramdam ninyo? "
Tanong ni Bea sa akin.
" tawagin na lang kaya natin yong doctor "
Suwestyon naman ni Jona.
Tinawag nga nila si Jason at agad itong dumating.
Kinamusta niya ako at chineck ang ilan sa mga vital signs ko.Natuwa at nagpasalamat ako sa kaniya (Kahit awkward) dahil mabuti naman na raw ang aking kalagayan.
Gabi na pala.
Grabe! ilang oras din akong natulog. Kung bakit ba kasi napakamalas ko?Talaga yatang may balat ako sa puwet.
( meaning ay malas ako)Instead na magpalipas muna ako ng gabi sa clinic ay mas pinili kong sumama kina Bea sa dati na naming pinagtutulugan.
Nakakatakot kaya dito sa clinic, mag-isa mo lang tapos wala pang masyadong taong dumadaan dito.
" nasan yong mga barangay officials? hindi ba sila sasabay sa atin na kumain?"
Tanong ko kay Mars habang kumakain kami ng hapunan.
" may meeting daw sila eh, baka alas otso pa matatapos "
Sagot nito.
" ahh ganon ba? "
" oo ganon nga, huwag kang mag-alala makikita mo siya mamaya, hintayin mo lang matapos yong meeting nila"
" huh? anong sinasabi mo?"
" huwag ka ngang painosente"
" what? "
" what what-in kita diyan eh, hindi ako manhid gaga"
Hindi ko na siya sinagot, baka totohanin niya iyong sinabi niya. Delikado.
