(Yen)
"Yen apo"
Tawag sa akin ni lola matapos ang madrama naming yakapan at kamustahan dito sa kuwarto niya. (ospital pa rin)
" yes lola?"
Saad ko pero imbes na salita, bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.
" about your mother "
Banggit niya na nakapagpasimangot na naman sa akin.
"Alam kong buong buhay mo ay kinasuklaman mo siya, ni ayaw mo nga siyang makita at makilala kahit pangalan ay iniiwasan mo talaga "
Hindi pa rin ako nagsasalita.
Nakatingin lang ako sa ibang direksyon at nakikinig l." Yen, simula nong madalas na akong atakihin sa puso, napagtanto kong kailangan mo ng malaman ang totoo bago pa mahuli abg lahat "
Nakakapagtaka niya sabi.
Anong totoo? totoo na wala talagang kuwenta ang nanay ko?
" Hindi ka iniwan ng mama mo sa amin,
pinalayas talaga namin siya ng lolo mo nong malaman naming nanlalaki siya.
Ipinaglaban ka niya sa amin noong sanggol ka pa lang pero hindi kami pumayag "I was shocked and speechless.
I was like ' joke ba to' or 'weh? di nga?'
" Napakalaki ng ambisyon ng mama mong maging kapitan noon sa baranggay natin.
Sakto namang gusto siya ng anak ng kapitan kahit na may asawa't anak na siya kaya ginamit niya iyong sandata para manalo sa sumunod na elekyon.
Nang malaman ng papa mo ang ginawa ng mama mo, nagalit siya at nagbantang papatayin ang kalaguyo niya kapag hindi pa ito nakipaghiwalay sa kaniya
pero sadyang tanga at manggagamit talaga ang mama mo dahil mas pinili niyang sumama sa kalaguyo niya kaysa sa papa mo "
Tahimik lang ako.
Nakikinig.
Nag-iisip.
Nagugulat.
" Dahil nga napaka-kapal ng mukha ng nanay mo, pinalayas namin siya sa bahay at pina-iwan ka namin.
Wala siyang karapatang kunin ka sa amin at wala siyang karapatang maging ina dahil wala siyang kuwentang asawa"
Nang matapos magkuwento si lola,
napagtanto ko ang isang bagay." kaya ba pinasok ni papa ang mundo ng polotika dahil kay mama? dahil gusto niyang maging karapat-dapat sa standards ni mama?
ganon ba iyon lola?
gusto niyang tumaas ang posisyon niya sa gobyerno para muli siyang tanggapin ng babaeng iyon?"
Tuloy-tuloy at maluha-luha kong tanong.
Isang marahang tango na lamang ang naging kasagutan ni lola sa tanong ko.
Kahit man hindi ako iniwan ng gag*ng nanay ko at gusto niya akong kunin hindi pa rin iyon sapat na dahilan para hindi ako magalit sa kaniya.
May kasalanan pa rin siya, hindi man sa akin pero sa asawa niya.
Paano naman si dad?
Paano naman iyong pagmamahal na inalay niya sa babaeng iyon?
Mas lalo ko tuloy siyang kinamuhian.
She's a big slut!
Yuck!
