CHAPTER 12

14 9 0
                                        

(YEN)

" babaita, dun na ako sa kabila matutulog "

paalam ni Mars nang sabay kaming makaakyat sa ikalawang palapag ng bahay

" bakit? "

" hindi kita kayang katabi "

" wow! kapal"

" bigla ka na lang yumayakap tapos nagpapatong ng paa, hindi ako nakatulog ng matino  kagabi dahil sa iyo"

Napa-isip ako sa sinabi niya.

Parehong-pareho sila ng sinabi ni Bea, best friend ko (miss ko na siya)

" edi sige, ayaw din naman kitang katabi" bawi ko

" gag* wala kang originality, gaya-gaya"

" stop calling me gag* and other bad words please "

" tumigil ka rin sa kaiingles mo "

" hmmmp! bat ka ba kasi lilipat"

" maayos na yong isang kuwarto"

" edi mabuti para kahit sa gabi man lang ay hindi na kita nakikita"

" shung* mapapanaginipan mo ako mamaya "

" bangungot kamo"

" oo! bangungot na hindi ka na magigising"

Dahil wala na akong mabatong pambara sa panlalait niya, tumalikod na lang ako at nagdiretso na sa aking kuwarto.

Woooh! yes! wala na akong katabing masungit gaya ni Ford-------

delete the last word.

wooohhh! wala na akong katabing masungit!

Humiga ako sa kama at pumikit, buti naman at naki-ayon si antok at agad din naman akong nakatulog.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

" Yen anak, kahit anong mangyari, huwag kang lalabas, magtago kang mabuti"
nakakikilabot niyang bulong.

Matapos non ay may mga yabag akong narinig papasok sa aking kuwarto, hindi ko na nagawang silipin kung sino ang mga ito dahil sa takot.

"nasan ang bata?" nagbabantang tanong ng isang lalaki kay yaya pero tahimik lamang ito at piniling hindi umimik.

"magsasalita ka ba, o pupugutan kita ng ulo?"

Mas lalo akong nagimbal sa sunod niyang sinabi. May mga tumulo na ring luha mula sa aking mga mata, sino ba sila? bakit nila pinagbabantaan ang buhay ni yaya Fe?

"magkasama sila ni sir na pumuntang Tagaytay kaya wala siya rito"

pagsisinungaling ni yaya. Pero parang hindi sila nakumbinsi sa sinabi niya kaya naglabas na sila ng mga baril at itinutok sa kaniyang ulo.

"Magsisinungaling ka pa eh narinig nga namin kanina na hinahanap mo siya rito. Ilabas mo na yong bata kung ayaw mong masaktan"

Napaatras si yaya hanggang sa matabig niya ang tray ng mga gamot ko sa ibabaw ng mesa.

" Ipinadala ba kayo ni Mayor Suarez?"
matapang niyang tanong

" wala ka ng paki alam doon tanda! ilabas mo na lang si Yen para matapos na ang usapang ito! dahil kapag hindi ako nakapagtimpi baka pasabugin ko na yang utak mo"

" walang kasalan iyong bata kaya huwag niyo siyang idamay dito! sabihin niyo kay Mayor na lumaban siya ng patas, huwag niyang gagamitin ang bata sa pagkapanalo niya! wala ba kayong mga anak? hindi ba kayo natatakot sa Diyos------------------------------------------"

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon