(YEN)
Nanginginig ako at hindi alam ang gagawin.
Nakatingin pa rin ako ngayon kay Ford habang siya ay masayang nakikipag kamayan sa mga kasama ko.Kaya pala nandito sina Jepoy, Anton, Carlos,at Alex kasi nandito rin ang commander nila.
Napatunayan ko na rin na si nanay Tessie nga ang nagluto ng mga pagkain namin ngayon.
Magkasama kaya sila ni Jona?Miss na miss ko na kasi ang dalawang iyon.
" I am so happy to meet you all and so thankful for this program. Sana po ay maging komportable kayo sa lugar namin at feel free lang to ask kung may mga problema kayong na-encounter during your stay "
Pagtatalumpati niya sa harap.
Ibang-iba na ang pananalita niya ngayon.
Magalang na at medyo mabait.
Hindi gaya noon, laging galit." Hindi naman po maisasakatuparan ang lahat ng ito kung wala si Ma'am Yen na nagplano "
Gulat kong sabi ni Bea.
Dahil doon ay napatingin silang lahat sa akin kabilang na si Ford.AWKWARD
Bea naman eh!
Hindi mo ba napapansin ang sitwasyon ko ngayon.Ngumiti na lang ako.
Wala na akong ibang maisip na reaksyon eh.After eating session, nagdecide na kaming matulog dahil maaga pa kami bukas para sa preparation.
Sabay kami ni Jona na naglakad papunta sa matutulugan namin ng bigla akong patigilin ni Jason.
Ano na naman ba ang problema ng lalaking to?
" sandali lang Yen, pwede ba tayong mag-usap? "
Paki-usap niya sa akin.
Tumingin ako kay Bea.
Para siyang ewan sa itsura niya.
Kinikilig ba ito dahil crush niya si Jason o kinikilig siya para sa amin.
I wish sana yong first na lang." sige na ma'am, nakiki-usap na yong tao oh, pagbigyan mo na"
Pagpipilit niya sa akin.
Aba't parang magkakampi pa silang dalawa ah." sige basta sandali lang ah "
Sabi ko.
Naglakad kami papunta sa likod ng isang classroom na medyo malayo sa tinutuluyan namin.
Madilim dito at tahimik.
Creepy nga lang ang feeling kasi walang tao maliban sa amin." about sa pag-amin ko sa yo "
Pagsisimula niya ng usapan.
" seryoso talaga ako don, sana naman ay bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sayo "
Malumanay niyang sabi.
Bigla akong napanganga.
Nagulat.
Natakot.
Hindi naman sa nagulat ako sa sinabi niya kundi dahil sa isang insekto na nakikita kong gumagapang sa balikat niya.
Ano yon?
mabalahibo at parang nangangagat." wait! don't move "
Sabi ko sabay dahan-dahang inilapit ang kamay ko sa balikat niya.
" w-what are you doing? "
" shhhhh keep still "
" h-huh? you're scaring me "
" shhhh... may tatanggalin lang ako, basta wag kang gagalaw "
Malapit na....
Malapit na....
Malapit na pero hindi na ako natuloy pa sa balak kong pagtanggal sa insekto sa balikat niya dahil sa narinig naming ingay.
"Kap. anong ginagawa mo jan?"
