(FORD)
Pumasok ako sa isang lumang gusali kung saan ako pinapunta ni Suarez.
Matapos ng ilang oras na pag-iisip, gusto ko ng tapusin ang lahat ng nasimulan namin.I want to end this war no matter what it takes.
I will give them the fight that they wanted, a bloody war.I'll admit, It took me how many years to prove again my name.
It took me how many years to heal but the moment that I realized that my parents' death has still no justice, I will gumble my name and reputation again for them.I don't give a damn anymore for that legal fair justice that they are emphasizing because in the first place, fair justice is not working anymore in this place.
Kung sino ang mayaman at mataas ang posisyon, sila ang ang laging nananalo.
" oh my friend Ford! sabi ko na nga ba! hindi mo ako matitiis"
Masaya niyang bati habang humihithit ng sigarilyo.
Napaubo ako dahil sa mga usok na binubuga niya sa piligid." hindi natin matatapos ang laban na to kung tayong dalawa lang, We need more people to support us "
Saad ko habang umuupo sa punit-punit na sofa na nilaan niya sa akin.
" Don't worry my dear dahil sa tagal kong nagtago, marami akong narecruit na sasama sa atin "
Nakangiti niyang sambit.
Pagkabanggit niya roon, nagulat ako ng may mga pamilyar na taong nagsilabasan sa kung saan man sila nagmula.This is crazy!
Paano to nangyari?" Lydia? "
Tukoy ko sa isang babaeng nakasuot ng pulang bestida at nakahawak ng isang brief case.
Wala pa akong kaalam-alam na bumalik na rin pala siya." Bea? "
Hindi makapaniwala ko nanamang sambit dahil sa isang babaeng kasama ko lang kahapon sa outreach program nina Yen.
All this time alam pala niyang may plano kami ni Suarez?
Ni wala man lang akong ideya." Ex-congressman? "
Siya na talaga ang mas kinagimbal ko.
Nandito si ex-congressman? akala ko ba ay kakampi siya ni Dante?" gulat ka ba? pasensya na, hindi ko nasabi sayo "
Saad ni Suarez habang muling humihithit ng sigarilyo.
" Kaya ako nag-apply ng trabaho kay Yen dahil sa plano namin ni Sir Suarez, mas mapapadali ang lahat kung may magiging mata sa pamilya ni Dante Villardez"
Sambit ni Bea sa akin.
" ikaw Madam Lydia, bakit niyo po naisipan na-------"
"bakit ko naisipan na pumanig kay Suarez? simple lang, gusto ko lang mai-iwas ang anak ko na si Yen sa lahat ng kademonyohan ng tatay niya"
Mabilis nitong sagot sa hindi ko pa natapos na tanong.
Napatingin ako kay ex-congressman, kaya hindi na niya hinintay ang tanong ko, sumagot na siya agad." I just want to save Dante"
Sabi niya.
Napakunot na lang ako bigla sa sinabi niya, sigurado ba siya?" I just want to save him from the devil inside him, nilalamon na siya ng kapangyarihan at nilalamon na siya ng ganid niyang puso"
Mahaba niyang paliwanag.
Dati, magkakaaway ang grupo namin pero dahil sa iisang kalaban, nagsama-sama kami.
Well I guess, this is the only solution.Simula noong nalaman ko ang lahat mula kay Suarez na hindi talaga siya ang pumatay sa mga magulang ko at si Dante talaga iyon, nakipagtulungan na ako sa kaniya, si Dante rin pala ang pumatay sa yaya ni Yen pero pinalabas kasi nila sa yaya niya na ang kalaban ay si Suarez kaya ang alam ng matanda noong gabing binaril siya ay si Suarez ang nagpapatay sa kaniya.
