CHAPTER 16

13 9 0
                                        

(YEN)

(5 hours before the incident)

" sigurado ka bang hindi tayo mahuhuli dito?"

tanong ko kay Mars habang nasa loob ng kotse at naghihintay na dumating ang kotse ni Atty Lopez.

Dahil nga sa kagustuhan kong tumulong at sa tingin ko naman ay makakatulong ako (sana) ay pumayag na ako sa balak ni Mars.

Nandito na kami ngayon sa labas ng night club at alas sais na ng gabi.

" sinasama ka ba ng tatay mo sa mga events o gathering nilang mga politicians?"

" hindi "

" eh pinakikilala ka ba sa mga kaibigan niyang politiko? "

" hindi rin "

" mabuti "

" bakit? "

" atleast, walang masyadong makakakilala sa yo sa loob "

" huh? "

" madalas na parokyano rito ay mga politiko kaya mag-ingat ka, siguraduhin mong walang makakilala sa yo sa loob "

Tumango na lamang ako bilang pagtugon.
First time ko itong gagawin kaya grabe ang kabang nararamdaman ko.

Pasado alas-siyete.
Dumating na nga ang hinihintay namin.
Dumating na si Atty sakay ng kaniyang magarang sasakyan.

Nang makapasok na siya sa loob ay lumabas na rin ako ng kotse at sinundan siya suot ng aking maskara.
( since macurade night club nga ito)

Sinalubong ako ng mausok at may iba't ibang amoy na atmosphere.
Kaya ayokong pumunta sa mga bar o club eh.

Makakakuha pa yata ako ng sakit dito.
Iginala ko ang aking tingin sa loob at nakita ko na rin siya sa wakas.
Gaya ng sinabi ni Mars, dumiretso siya agad sa isang table kasama ang isang lalaking nakamaskara rin.

Naupo siya roon at nagmasid sa mga babaeng nagsasayawan sa entablado na halos hubot hubad na.
Hinagud niya ng tingin ang mga ito na parang may pagnanasa at kakaibang init sa kaniyang mga mata.

Napalunok ako habang nag-iisip ng gagawin upang makuha ang atensyon ni Lopez.
Baka makahanap siya ng ibang babae at mawalan na ako ng chance ba mapalapit sa kaniya.

Sa sobrang disperada na ko talaga.
Pumunta ako sa mismong harapan niya at nag-sexy dance
( na hindi ko alam kung sexy dance ba ang tawag doon sa ginawa ko o matcho dance)
Gumiling ako ng gumiling at tumuwad-tuwad para lang mapansin niya.

" hoy miss! umalis ka diyan may pinapanood kami"

Pagtataboy sa akin ng kasama niyang lalaki.
Aba! panira ng diskarte to ah!
Alam ba niya kung gaano kahirap ang ginagawa kong ito?
Pumayag lang talaga akong sumayaw sayaw dito dahil may maskara! pero pag wala ay ayoko talaga!

" Pabayaan mo na siya Paolo "

Pagtatanggol sa akin ni Atty Lopez.

Ngumiti ako at nabigyan ng pag-asang ayain niya na makitable sa kaniya pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo at tinawag ang isang dancer sa stage at siya ang kinasama niya sa table.

Para akong timang na umalis sa harapan niya dahil sa kahihiyan.

Buong kaluluwa ko ang sinugal ko roon tapos wala lang?
Dahil sa dismaya ko ay nagtungo na lang ako sa CR para---- wala lang! gusto ko lang pumunta sa CR bakit ba?
Bago ako makapasok sa loob ay nadulas sa kamay ko ang aking pouch kaya nahulog ito sa sahig.

Nakasimangot akong umupo upang kunin iyon, kamalas-malasan naman oh! bakit ganito ang nangyayari sa araw ko.
I want to go home nalang.

Matapos ko iyong pulutin ay tumayo ako pero sa isa na namang kamalas malasang pagkakataon ay  may nakasagi sa aking isang lalaki kaya na-out balance ang aking heels ( 2-3 inch siguro iyon)

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon