CHAPTER 2

36 9 0
                                    

Kinabukasan ay gumising ako na may matinding pananakit ng tiyan, ito na siguro ang resulta ng hindi ko pagkain kahapon ng buong araw.

Kahit nahihilo at nanakit ang aking tiyan ay pinilit ko pa ring bumangon, sinubukan kong lumabas ng kuwarto ngunit pati pala sa labas ay may nagbabantay.

"Ms. hindi ka puwedeng lumabas"

sabi niya sa akin habang hinaharang ako sa pinto.

" Masakit ang tiyan ko, kailangan ko ng gamot"

sagot ko, hindi ko na talaga kaya ang pananakit ng aking tiyan at hilo kaya sinamahan na lamang ako nong bantay na bumaba papuntang second floor at ng makakuha ng gamot.

Pinaupo niya ako sa may sala at saktong naroon din yong matandang palaging nagdadala ng pagkain sa akin.

" jusko! anong nangyari kay Ms. Yen?"
nag-aalala niyang tanong sa lalaking bantay na nagdala sa akin dito sa sala.
" masakit daw po iyong tiyan niya nanay Tessie, anong gagawin natin?"

sagot naman nong bantay

" Naku! sabi ko na nga ba, buong araw ka kasing hindi kumain kahapon kaya ganiyan ang nangyari sa tiyan mo.
Halika, punta tayo sa kusina."

Saad ng matandang babae, wala na akong nagawa pa dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit.

Sa totoo lang ay gusto ko na talagang mamatay sa gutom pero napagtanto kong may pag-asa pa, puwede pa akong mabuhay.

Kailangan ko lang magbait-baitan upang maging maluwag sila sa akin at upang makahanap ako ng daan kung paano makakalabas dito.

Pagkarating namin sa kusina, ipinaghain na agad ako ni nanay Tessie ng pagkain. Naupo ako sa harap ng mesa at  tinikman ang luto niya, masarap pala nagsisisi na tuloy ako kung bakit hindi ko pa ito kinain kahapon.

"maupo kayo, samahan niyo akong kumain, hindi ako sanay na mag-isa"
saad ko kay nanay Tessie at sa anak niyang parang kaedad ko lang.

" pero Ms. nakakahiya po, hindi po tama na sumabay kami sa inyo"

sagot ni nanay Tessie, hindi raw tamang sumabay sila sa akin? what a concept.

" walang mali sa pagsabay sa aking kumain ang mali ay ang dukutin at ikulong nila tayo rito, sige na maupo na kayo at kumain na tayo "

Nakangiti kong sambit, kagaya ko ay nasisigurado kong nais din nilang makalaya mula sa lugar na ito.

Kailangan ko silang tulungan at kailangan din nila akong tulungan. Iyon na lang ang tanging paraan.

"ilang araw na kayong nandito?"
naitanong ko sa kalagitnaan ng aming pagkain

" Simula pa noong mabuo ang lugar na ito. Kami na nitong anak ko ang nagsilbing tagapamahala"

sagot muli ni nanay Tessie. Inilibot ko ang aking paningin sa buong bahay. Malaki at maganda, hindi maipagkakailang mayaman ang may-ari nito.

" Anyway, anong pangalan mo?" tanong ko sa anak  na babae ni nanay Tessie, masyado kasi siyang tahimik at hindi palasalita.

"ako po si Jona"

sagot niya, iniabot ko ang aking palad sa kaniya at nakangiting nagpakilala.

" ako naman si Yen, Yen Villardez, nice to meet you Jona"

Masaya kong saad pero nakatulala lang siya sa inaabot kong palad, hindi ba sila pamilyar sa shake-hands? dahil napansin kong wala talaga silang ideya sa ginagawa ko ay ibinaba ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagkain.

" So, tell me something about this place. Sino ang may-ari nito?"
Naitanong ko matapos kaming kumain.

"Pag-aari ito ni madam Lydia Vicente. Kasalukuyang councilor ngayon at nagbabalak tumakbo bilang Congresswoman ng lungsod natin"
Tugon ni Jona.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon