(YEN)
" Nasaan ka na? malapit na tayong umalis bakit wala ka pa rin dito? "
Nag-aalala kong tanong kay Bea na kausap ko sa kabilang linya.
Ang call time para sa araw ng biyahe namin papunta sa barangay nina Mars ay 6 am, 6:10 na wala pa siya.Paimportante? ganern?
" oo sorry na po ma'am, malapit na po.. masyado lang pong traffic "
" wag mo ngang idahilan ang traffic dahil matagal ng problema yan ng mundo "
" sorry na po talaga"
" basta bilisan mo "
Matapos non ay agad kong ibinaba ang telepono.
Nakakainis din talaga ang babaeng yon.Kahit kaibigan ko siya.
Habang naghihintay, sinimulan ko ng buhatin ang mga maleta ko papunta sa van na gagamitin namin.
Nagulat na lang ako ng may isang kamay na nagmagandang loob na tulungan ako.
Walang iba kundi si Jason.
Sasama pa pala siya.
Akala ko nag-back out na dahil sa pamba-busted ko sa kaniya." saan ito? sa red o white na van? "
Tanong niya.
" sa white "
Sagot ko.
Agad naman niyang ipinunta doon ang mga dala niyang maleta ko." saan yong mga dala mo?"
Nagtataka kong tanong dahil parang wala yata siyang dala ni isang bag.
" nasa kotse ko "
Ahh so dadalhin niya yong kotse niya?
Iba talaga pag mayaman.
Bat nga ba hindi na rin ako bumili ng kotse ko para hindi na hassle.Hindi naman kasi ako marunong mag-drive.
Eh kung maghire ako ng driver?
wala rin kasi akong tiwala sa kanila, baka mashort cut pa ang buhay ko.iisang tao lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa pagda-drive.
" ma'am Yen! nandito na po ako! "
Hingal na hingal na sigaw ni Bea ng makarating siya sa kinaroroonan namin ni Jason.
Tinulungan ko siyang dalhin ang mga maleta niya sa white van since doon din naman ako uupo, para sana tabi kami kaso wala na raw space kaya lumipat kami sa red kaso wala na rin daw.
Hindi naman siya pwedeng sumakay doon sa may truck kasi mga donations at medical things ang nandoon, atsaka hindi siya comfortable.What the! paanong nawalan kami ng space?
Masyado yatang napadami ang mga gamit na nadala namin." pwede ka namang sumabay sa akin "
Pagmamagandang loob ni Jason.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya.
Ako kasi ang organizer tapos kulang pala yong sasakyan na nahire ko.
Nakakahiya naman kay Jason." ahhh nakakahiya naman po "
Parang kinikilig na sabi ni Bea.
Crush ba niya si Jason?
Haha sa itsura kasi niya ngayon daig pa niya ang isang fan girl." no its okay, mag-isa ko lang naman doon "
Dahil wala ng choice, nakisakay na si Bea kay Jason.
6:30 na ng maka-alis kami.
Ayon kay Mars pitong oras daw ang biyahe papunta sa liblib na barangay nila.
Pero may isang oras pang lakaran papunta sa paaralan kung saan namin ika-cunduct ang medical mission at outreach program.
