(Yen)
( This is it! eto na talaga )
" huwag ka ng mahiya, bakit ka ba lumalayo "
Nakakamanyak na sambit ni Atty. Lopez habang lumalapit sa akin.
Tahimik lamang akong umaatras nang umaatras habang siya'y lumalapit nang lumalapit.
Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari sana ay hindi na ako pumayag sa kalokohan ni Mars!
Akala ko ay itatable lang ako ng matandang hukluban na ito eh bakit dinala naman niya ako sa isang hotel at ngayon ay balak na akong gahasahin.
" a-atorney---- wala po sa u-usapan n-natin ang ganito"
" wala sa usapan natin kanina, pero ngayon...meron na "
Napasigaw na lang ako ng napakalakas dahil sa ginawa niyang paghipo sa hita ko.
Waaaaahhhhh!!!!!
ano ba tong napasok ko!!" maawa po kayo sa akin, bata pa po ako marami pa akong pangarap"
" babayaran naman kita eh, huwag kang mag-alala"
" hindi po ako nagpapabayad, wala po akong paki-alam sa pera niyo"
" eh kung ganon? anong dahilan mo para sumayaw-sayaw sa harapan ko kanina? "
Oo nga naman,
bakit nga ba ako nagsasasayaw sa harapan niya kanina kung wala akong balak manghuthut ng pera niya?" gusto ko lang po kayong maging------- kainuman-----kakuwentuhan------ganon"
Tumawa siya ng malakas at muling tumingin sa akin.
" sino sa tingin mo ang niloloko mo? huh! ako? O c'mon! "
" ano pong sinasabi niyo? "
" Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina ka pa nakatingin sa wallet ko? "
" a-ano? "
" Don't act stupid, I know you
Yen Villardez "Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Nakilala niya ako.
At alam kong iisa lang ang ibig sabihin non.I am in danger.
Isang malakas na bagsak ng pintuan ang narinig ko habang nakikipagtitigan pa rin kay Atty Lopez.
Pareho kaming napatingin sa bumukas na pintuan at nagulat dahil sa isang babaeng biglang pumasok at walang habas na pinagsusuntok si Lopez.
" T-tama n-na M-Mars! baka mapatay mo!"
Pigil ko kay Mars.Mabuti na lang at naitext ko sa kaniya kanina ang address ng hotel na ito.
Kumaripas kami ng takbo palabas ng kuwarto habang naiwang walang malay naman si Atty Lopez sa loob.
" suotin mo yang maskara mo"
Utos sa akin ni Mars." bakit? "
" basta "
" bakit nga? "
" basta suotin mo para kapag may makasalubong tayo ay hindi ka makilala"
Sinunod ko na lamang siya.
Isinuot ko ito kahit nag-mukha akong baliw dito.Sumakay kami sa elevator at nakasabay namin doon ang isang babaeng tulad ko ay nakasuot din bg maskara.
Hindi ko sana siya pagtutuunan ng pansin kung hindi ko nakikilala ang maskara at ang dress na suot niya, bigla kong naalala iyong lalaki sa night club na nakasagi sa akin kaya napaupo ako sa labas ng CR.
