CHAPTER 20

9 2 0
                                        

(Yen)

Tawa ng isang bata ang gumising sa akin.
Mapait pa ang mata ko at gusto ko pa sanang magpatuloy ng tulog kaso nakakahiya naman.

Bumangon ako ng dahan-dahan upang hindi magising si Ford na nakatulog sa tabi ko.
Kasalukuyan pa nga siyang humihilik kaya mas lalo akong nakokonsensya kung maiistorbo ang mahimbing niyang tulog.

Paglabas ko ng kuwarto, bumungad sa akin ang isang bata na nakikipagpaghabulan kay Mars.
Napaka-cute niya at masiyahin, sarap nilang panoorin.

" oh! Yen.. gising ka na pala, musta ang unang araw mo rito sa amin? " masayang tanong ni aling Connie (nanay ni Mars)

" masaya naman po, atsaka nakaka-refresh kasi maraming puno dito " sagot ko.

Ng muli akong lumingon kina Mars at sa bata, napansin kong nakatingim sila pareho sa akin.
Nag-wave ako sa kanila at laking tuwa ko ng mag-wave back din yong bata.
(wow! lakas maka-messenger)

" what's your name cute little guy? "
natutuwa kong tanong sa bata ng makalapit ako sa kanila

pero hindi niya ako sinasagot, nakatitig lang siya sa akin na para bang wala siyang ideya sa tinatanong ko

" hindi siya nakakaintindi ng ingles "

sabi ni Mars, oo nga pala.
Allergic nga pala siya sa English.

" anong pangalan mo? "
pag-uulit ko sa tanong

Ngumiti yong bata at sa wakas ay sinagot na rin ako.

" ako po si Moses at ako po ay limang taong gulang, kayo po? ano pong pangalan niyo? "

Tuloy-tuloy niyang sagot.
Aww! napaka-cute at napaka-magalang niya! how I wish magkaroon din ako ng anak na ganito. Magkaibang-magkaiba sila ng nanay niyang si Mars.

" ako naman si ate Yen, kaibigan ako ng nanay Mars mo "

Dahil sa super hindi ko matiis ang pagka-amaze ko sa kaniya, binuhat ko siya at niyakap ng pagka-higpit-higpit.
Nakakamiss maging bata ulit, yong tipong wala kang problema at tanging kumain, matulog at maglaro na lang ang iniisip mo.

Sa gitna ng aming paglalaro ni Moses, narinig kong may kinausap si aling Connie sa likuran ko kaya napaharap ako doon.

" iho! gising ka na pala, naku pasensya ka na kung mainit dito sa amin, wala kasi kaming aircon nagtitiyaga nga lang kami sa electric pan "

Gulat akong nag-iwas ng tingin kay Ford (oo, siya iyong kausap ni aling Connie) ng makita kong half-naked pala siya.

Kay pala ganon ang mga sinasabi ni aling Connie.

" huh? ahh ayos lang po yon "
sagot niya sabay tingin ng masama sa akin.

Oo alam ko namang wala siyang idea sa mga nangyayari pero kailangan ba niya akong tignan ng ganon? nakakatakot kaya.. huhuhu paano ba ako magpapaliwanag?

" ahh sandali lang po muna aling Connie, may pag-uusapan lang po muna kami ng asawa ko sa labas... "

Pagpapalusot ko sabay hila sa kamay ni Ford.

" anong asawa? anong bang sinasabi mong-------"

" hahahha!!! Ford talaga oh! may hang over ka pa rin talaga hanggang ngayon.. mag-asawa tayo di ba? hahahahah!! tara na nga sa labas.. alam kong maganda ang view doon "

Kahit mahirap mahila, ginawa ko ang best ko para madala sa labas si Ford.
Punong- puno ng pagtataka ang mukha niya habang ipinapaliwanag ko sa kaniya ang mga pangyayari.

Including yong kalokohan namin ni Mars....na sa tingin ko'y cause ng pagka-inis nanaman ng mukha niya.

" I'm so sorry but Ford I promise.. that would be the last.. I will never do that again and -------"

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon