(CARLOS)
"Jona, bakit mo ako tinawag?"
Pabulong kong tanong sa babaeng matagal ko ng minamahal.
Tatlong taon ko ng kasintahan pero wala pang nakaka-alam bukod kay sir Ford.
Kaya buo ang loyalty at tiwala ko roon dahil sa tinutulungan pa niya kami ni Jona na magkarokn ng kahit konting panahon para sa isa't isa.
" maghiwalay na tayo Carlos"
Nakakabingi niyang sabi sa akin.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makapagsalita.
Bakit? ano bang sinasabi niya?
" Nalaman ng isa sa mga kasamahan ni Alex ang lahat, Carlos natatakot ako na baka saktan ka ng grupo niya.
Puwede ka nilang patayin"Sabi niya habang umiiyak sa harapan ko.
Parang wala na ako sa sarili dahil sa kabila ng mga sinasabi niya ay nagawa ko pa siyang yakapin ngunit pinagtulakan lamang niya ako palayo at kasabay non ang pagtakbo na rin niya paalis." Pasensya na Carlos, ayoko na, maghiwalay na tayo"
Hayop na Alex na iyan, dahil sa kaniya kaya itinago namin ang pagmamahalan namin ni Jona.
May gusto siya kay Jona pero ako ang nagustuhan nito.
Kaya bakit ba niya hinahadlangan ang pagmamahalan namin?
Sino ba siya tingin niya?Wala na akong pamilya, ulilang lubos dahil napatay ang mga magulang ko sa isang disgrasya pero alam kong sinadya iyon.
Minsan ng nag-vote buying ang grupo ni Mayor Suarez sa amin noong huling eleksyon at isa na sina inay at itay sa nabigyan ng pera, dumating ang eleksyon pero hindi siya ibinoto ng mga magulang ko kaya noong nalaman ng kampo ni Mayor, pinatay nila ang mga ito.
Iyon ang naging dahilan kung bakit ako sumama sa grupo na binuo nina Ford at madam Lydia. Gusto kong maghiganti.
Wala na akong ganang mabuhay noon pero ng makilala ko si Jona nagkaroon ako ng pangarap.
Pangarap kong bumuo ng pamilya kasama siya, pangarap kong mamuhay ng matiwasay at malayo sa magulong mundo ng politika.
Pero parang biglang naglaho ang pangarap na iyon dahil sa mga sinabi ni Jona sa akin.
Bumalik ako sa swimming pool na wala sa sarili. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Ms. Yen na nasa dati pa rin niyang puwesto.
Hindi ko na pinapansin ang mga nasa paligid ko, nandidilim na rin ang aking paningin kasabay ng kumikirot kong dibdib.
Napukaw ang aking pansin ng malawak at malalim na pool.
Mukhang masayang masaya mahiga sa tubig nito at magpayakap sa malamig na temperatura.
Naglakad ako paunti-unti hanggang sa makarating sa dulo ng pool, isang hakbang ko na lang ay tuluyan na akong mahuhulog.
"Carlos? hoy!!! anong ginagawa mo!!! hindi ka marunong lumangoy di ba? sandali---------------------" sigaw ni Ms. Yen.
Pero huli na ang lahat dahil pinipili ko ng mawala sa mundong ito kaysa puro poot at pighati na lang ang mararamdaman ko.
(Ford Rodriguez)
Hindi mapalagay ang loob ko habang tumatawag kay madam Lydia matapos lahat ng nalaman ko sa isa naming impormante.
Naka-ilang ring din ang telepono niya tiyaka niya ito sinagot.
" hello Ford, bakit ka napatawag?"
tanong niya mula sa kabilang linya.
" nabalitaan mo na ba ang tungkol sa lola ni Yen? "
