CHAPTER 3

25 8 0
                                    

(Mayor Edwin Suarez)

"Musta na yong trabaho niyo?
nakangiti kong tanong sa isa kong tauhan habang humihithit ng sigarilyo dito sa aking opisina.

" Mayor... kasi..."
bitin niyang sagot mula sa kabilang linya. Kapag ako nabuwisit dito, ibibigti ko na talaga siya.

" ano! sabihin mo!"
galit ko ng sigaw.. wala na akong paki-alam kung mabingi siya

" Mayor kasi..."
Isa pa! isa pa talaga, ang pinakaayaw sa lahat ay ang naghihintay.

" Mayor, ginawa naman talaga namin ang lahat pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala siya sa bahay nila noong gabing iyon. "

Pagpapaliwanag niya. Wala talaga silang kuwenta kahit kailan! mga tanga! bakit ko nga ba sila kinuha eh walang naman silang kakuwenta-kuwenta!

" Boss, naunahan tayo eh. Noong gabing pinasok namin ang bahay ni Vice mayor Dante Villardez, wala na doon ang anak niya. Wala na doon si Yen. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung sino ang dumukot sa kaniya? "
saad niya na mas lalong nakapagpakulo ng dugo ko.

" Tanga ka talaga no? edi siyempre si Lydia!! siya lang naman at si Dante ang kalaban ko di ba? napakabobo mo talaga! ayusin mo iyang trabaho mo, hanapin mo kung saan itinago ni Lydia Vicente si Yen at dalhin mo siya sa akin bago pa matapos ang kampanya! "

pagkatapos ng pakikipag-usap ko sa bobong tauhan na iyon ay hindi ko na naiwasan pang ibato ang aking cellphone sa dingding.
Buwisit! sagabal talaga kahit kailan ang Lydia na iyon!

Kung gaano kalakas sa tao si Dante Villardez, ganon naman kadiskarte si Lydia Vicente at ako? ako lang naman ang biniyayaan ng mga tatanga-tangang mga tauhan.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad lumabas ng opisina. May tao akong kailangang maka-usap, kailangan ko ng tulong niya.
Bago ako makasakay ng kotse ay narinig ko ang pagtawag sa akin ng aking sekretarya.

" Mayor, hindi raw po ninyo sinasagot ang cellphone niyo. Kailangan daw po kayong maka-usap ng inyong mga kapartido "
sabi niya sa akin.

" Nandoon sa opisina ko yong phone,  bumili ka ng bago, gusto ko yong pinakabagong model, naiintindihan mo?"

Sigaw ko sa pagmumukha niya para hindi rin siya tatanga-tanga.

" Mayor, nasira niyo nanaman po? pangsampung cellphone niyo po iyon ngayon taon ah. Pinilahan ko pa iyon sa mall ng ilang oras dahil sa limited edition nga iyon tapos isang buwan niyo lang nagamit sira nanaman? bakit mayor? bakit hindi niyo inalagaan? bakit? "

Gulat niyang tanong, hayan nanaman siya, magdadrama nanaman.

" Just do what I say Bea, tigil-tigilan mo ako sa kadadrama mo"

Sambit ko sabay sara ng pinto. Naalibadbaran ako sa drama niya.  Pasalamat siya at sekretarya ko siya dahil kung hindi baka hindi ko na alam kung anong ginawa ko sa kaniya.

Hindi naman naging mahaba ang naging biyahe namin. Nakarating kami agad sa mansion niya.
Pumasok ako sa loob na parang bahay ko rin iyon, tuloy-tuloy lang ako hanggang sa harangin na ako ng sekretarya niya.

" Good morning Mayor Suarez, kung kailangan niyo pong kausapin si Congressman. Pasenya na po dahil may meeting pa po siya ngayon. Balik na lang po kayo mamayang 3 pm. Pasensya na po, mahigpit lang po ito na bilin niya "
aniya.

Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? bakit lahat sila nakakabuwisit? kanina pa nasisira ang araw ko.

" hindi mo ba ako kilala? ako lang naman ang bisita ni Congressman na anytime ay puwede siyang bisitahin "

Kalmado kong sabi kahit na sa totoo lang ay galit na talaga ako.

" Pero Mayor hindi po talaga puwede "

muli niyang tanggi, hold your breath
Mayor Suarez, kaya mo yan.

" Can please call him on your phone first, baka sakaling matauhan ka. Go on, call him and tell him that I need to talk to him right now "

dahil siguro sa parang mangangain kong boses, dali-dali naman niya akong sinunod.

" Good morning sir, Mayor Suarez wants to talk to right now.. that's the case sir, he's here down stairs... yes sir.. he is waiting for you.... huh? really sir? .... are you sure?... okay sir got it..."
Hiyang-hiya siyang humarap sa akin at ngumiti.

See? I told you, ako yong taong hinding-hindi niya mapapahintay.

"Maghintay lamang po kayo rito Mayor, bababa na raw po si Congressman. "

saad niya bago umalis.

Naglibot-libot muna ako sa sala ng bahay niya, maganda at malawak. Pero ang pinaka-nakaagaw ng atensyon ko ay ang larawan ng kaniyang asawa't nga anak.
Mababakas sa Family picture nila ang kaligayahan at karangyaan. Maliliit pa ang mga anak niya at kasalukuyang grade 2 at grade 3. I wonder, alam na kaya nila ang mga pinaggagagawa ng ama nila?

" anong kailangan mo Edwin?"

Tinig na nagmumula sa aking likuran. Kung gayon ay nandito na pala siya.
Nakangiti akong humarap sa kaniya.

" Oh hello there Congressman, binibisita lang naman kita pero bakit ganiyan ang tono ng pananalita mo? parang ayaw mo akong makita"

nang-iinis kong sambit habang may nang-iinis ding ngiti sa aking labi.
Natutuwa ako sa itsura niya kapag naaasar, parang asong ulol na gusto ka ng kagatin.

"Nasa kalagitnaan ako ng meeting, hindi mo ba puwede iyong bigyan kahit konting konsiderasyon?"
saad niya. Masaya na sana ang mood ko kanina pero bigla nanaman niyang sinira.

" Konsiderasyon? lakas ng loob mong sabihin iyan sa akin. Bakit, noong sinabi ko sa iyo iyong totoo sa pagkamatay ng tatay ko kinonsidera mo ba? di ba hindi? mas pinili mo akong ipakulong. Mabuti na lang at may pera pa ako noon at nasuhulan ko iyong mga huwes kaya nakalaya at nalinis ko ang pangalan ko "

sumbat ko sa kaniya.

" Ano sa tingin mo? maniniwala ako sa iyo? Edwin! nakita kitang duguan at tulala noong gabing iyon! ano sa tingin mo ang iisipin ko? tapos nalaman ko na lang na patay na si tito. Edwin, hindi na kita kilala, hindi ko lubos maisip na magagawa mo iyon sa sarili mong ama "

Nakakabingi niyang paliwanag, Hanggang ngayon pala ay gago pa rin ang kaibigan kong ito. Gago pa rin si Congressman.

" Ilang beses ba akong magpapaliwanag sa iyo? ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong ginagawang masama?
pero sige, kung iyan ang gusto mong isipin,  bahala ka"

tangi ko na lang nabanggit dahil alam kong kahit ilang beses man akong magpaliwanag sa kaniya ay wala pa rin, magmamatigas din lang siya at pipiliing kampihan ang mali

" Ikampanya mo ako sa susunod na eleksyon"

Direct to the point kong sabi sa kaniya. Ayoko ng magpatumpik-tumpik pa, gusto ay rekta na.

" Hindi puwede, nakapangako na ako kay Dante " agaran niyang tutol.

Si Dante, si Dante nanaman. O sige, madali lang naman akong kausap.

" Okay, if that's what you want then I have no choice but to involve your family, ikakalat ko lahat ng malalaswa mong litrato at video or puwede ko ring ipakidnap ang mga anak mo. Saan doon ang gusto mo? "

Nakangisi ko nanamang sambit, sama ko no? matagal ko ng alam.

" How dare you Edwin! bakit mo ba ito ginagawa sa akin? ginawa ko na lahat para sa iyo pero bakit mo ako pinapahirapan ng ganito" bulalas niya.

" Ginawa mo na lahat? hell no! kapag naikampanya mo na ako sa susunod na eleksyon tiyaka mo sabihing nagawa mo na ang lahat "

Nakangiti akong lumabas ng opisina niya, yon bang parang nakuha ko na ang tagumpay.
Tignan lang natin kung may mailalaban pa ang Lydia na iyan.

.
.
.

--His Prosoner--by--TheEncryptionist

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon