( YEN )
Matapos kong ayusin ang mga upuan na nagulo dahil sa bugbugan ni Jason at Ford, nagpasya na akong muling bumalik sa room namin para sana kausapin si Bea tungkol sa mga activies namin bukas.
pero wala siya roon.Lumabas muli ako at naglakad-lakad sa paligid baka sakaling makita ko siya.
Mabuti na lang at naayos na iyong mga poste ng kuryente na natumba kaya may ilaw na kami ngayon, atleast hindi na madilim.Habang naglalakad-lakad, naagaw ang aking atensyon ng clinic ng school na nakabukas ang ilaw.
Bakit open pa iyon? alas diyes na ng gabi ah.
Dumiretso ako roon upang icheck baka kasi naiwan lang na nakabukas yong ilaw sayang naman kung hindi ko papatayin.
Nagulat na lang ako ng pagbukas ko ng pinto eh may isang tao akong nakita na nakaupo roon.
" s-sorry... a-akala ko k-kasi eh w-walang t-tao "
pagpapaliwanag ko pero parang wala siyang paki alam sa akin, nakaharap pa rin siya sa salamin
" nakabukas nga yong ilaw, paanong walang tao? ang sabihin mo----------"
" sinusundan kita? h-hindi ah! may tao lang akong hinahanap kaya napadpad ako dito "
Oo na! tama na naman kayo ng iniisip, si Ford nga ito.
Sa tono pa lang ng pananalita niya, alam niyo ng si Chairman ito.
Dito pala siya dumiretso para gamutin yong sugat niya na dala ng bugbugan nila ni Jason kanina.
" sinong hinahanap mo? si Jason? wag kang magtangkang tanungin sa akin kung nasan siya dahil hindi kami bati "
Napaharang na lang ako sa aking labi para mapigilan ang nag-aambang pagtawa.
Natatawa kasi ako sa paraan niya ng pananalita, parang isang bata lang na may kaaway.
" wala ka bang balak tulungan ako dito? ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko nakuha ang sugat na to "
Saad niya habang hirap na hirap na tignan ang sugat na ginagamot niya sa salamin.
Wow! so ako pa talaga ang sinisisi niya!
" excuse me! is it my fault na napaka-careless mo sa mga actions mo? "
" oo "
Abat!! sumasagot pa siya!
" anong oo!! ikaw ang may kasalanan niyan, huwag mo akong idamay "
" damay ka kahit anong gawin mo "
WHAT THE!!
ginagalit ba talaga niya ako???Pigilan niyo ako!
Malilintikan to sa akin, mabuti na lang at wala akong mga istudyante dito, kahit anong kalokohan ang gawin ko ay walang makakakita." what do you mean huh? anong damay ako? buhay mo yan kaya wala akong kinalaman "
" eh ano magagawa ko? buhay kita eh "
Para akong tuod na biglang natahimik sa sinabi niya.
Hindi na ako natutuwa sa mga biro niyaHindi na cheesy-----okay medyo cheesy naman pero hindi pa rin ako natutuwa!
" stop talking non sense "
Pa-give up ko ng saad.
Wala na, wala na akong maisasagot sa kaniya.Muli akong naglakad palabas ng clinic, aalis na lang ako, baka mag-away lang na naman kami nito.
Ayoko ang masyadong maraming kaaway.
Isinara ko ang pinto at talagang balak ko ng umalis ng bigla kong masilip sa bintana ang hirap na hirap na si Ford habang inaayos ang pagewang gewang na salamin.
