CHAPTER 34

10 2 0
                                        

( Ford )

Mga malalagkit na tingin ang ibinabato sa akin habang naglalakad papasok sa main hall kung saan idinaraos ang pagdiriwang.
Lahat ng tao sa lugar ay nakasuot ng pormal kaya't ito ang naisipan kong suotin para hindi mapaghalataan.

Nang makarating ako sa lugar,  mga matang gulat ang sumalubong sa akin. Lalong lalo na si Dante na hindi maipinta ang mukha ng magtama ang aming mga mata.

Naroon ang mga pulitikong dating kaalyado ng tatay ko na pumanig na kay Villardez,  grabe talaga ang buhay,  hindi mo alam kung sinong tapat sa yo.

Naupo lamang ako sa gilid habang nagmamasid sa paligid.
Humingi ako ng isang inumin sa waiter na dumaraan kanina upang magmukha akong normal lamang na bisita rito.

" Mr.  Rodriguez,  what a surprise"

Bati sa akin ng birthday celebrant,  si senator Fajardo.
Nakangiti akong nakipagkamay sa kaniya habang humihigop ng inumin

" happy birthday senator,  musta na po kayo? "

Bati ko.

" okay naman,  ikaw,  saan ka na ngayon?  balita ko kapitan ka na ah,  may balak ka talaga yatang sumunod sa yapak ng tatay mo"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Mabuti naman at may nakakaalala pa pala sa tatay ko,  lahat na kasi sila wala ng pakialam sa kaniya.

" ah pinag-iisipan ko pa lang po "

Sagot ko.

" malaki ang naitulong ng tatay mo sa buhay pulitiko ko at nakita ko rin ang kabutihan niya,  nga pala,  kung may balak kang tumakbo sa mas mataas na posisyon,  maaasahan mo ako"

Nang-eencourage na saad niya.
Masaya itong nagpaalam sa akin dahil may mga kakausapin pa raw siyang bisita.

" hi sir,  mukhang wala po kayong kasama,  pwede ko po kayong samahan"

Nakakagulat na bati ng isang babae sa akin.
Nakasuot ito ng floral dress na hanggang tuhod at necklace na sure kong regalo ko sa kaniya.

Baliw talaga ang Yen na to,  ginaya ba naman yong entrada ko.

" sus!  may paganon pa kayo ah"

Natatawang sabi ni Bea na kasama lang pala ni Yen.
Sa kabila ng tawa niya,  hindi namin naiwasang magkatinginan.

" anong tingin mo sa dress ko ngayon?  ganda di ba?  tinahi ulit to ni nanay Tessie at binigay niya noong nandon kami sa barangay niyo "

Masaya niyang banggit.
Eto na naman siya sa pagtatanong tungkol sa bestida niya.
Ano bang malay ko sa mga bagay na yan, lalaki ako eh,  kahit ano yatang suot niya gusto ko.

" mas maganda ka kaysa sa dress na yan"

Sabi ko na lang para wala siyang isiping masama,  alam niyo naman ang babaeng yan,  may pagka-baliw minsan.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin habang nakangiti.
Hindi ba siya natatakot na makita kami ng tatay niya ngayon.

" thank you "

Sabi nito.
Humiwalay lamang siya ng marinig namin ang emcee na nagsasalita na sa harapan.

Nawala na lang bigla ang atensyon ko sa nagsasalita dahil sa mga taong dumating na magkasama.
Kapuwa sila may suot na matamis na ngiti ng makarating sa kinaroroonan ko at kunwari'y binati ako na parang hindi kami magkakilala.
Ito na ang simula,  dumating na ang mga hinihintay ko. Sina Lydia at ex-congressman.

" are you ready Mr.  Rodriguez? "

Sarkastikong tanong ni ex-congressman sa akin.
Tumango lamang ako bilang tugon at nagsimula ng maglakad papunta sa harap ng entablado.

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon