(Yen)
"Babaita! tagal mo naman"
"sandali, matatapos na"
Sagot ko habang pinapalibot ko ang tuwalya sa aking katawan."kala ko na-flush ka na diyan sa bowl"
nang-iinis niyang sabi pagkalabas ko ng CR.
Nakaka-istress!
Bakit ba kasi inaayos pa lang iyong kuwarto sa kabila
wala tuloy akong choice kundi ang patuluyin ang babaeng ito a.k.a Mars sa kuwarto ko.Pagkatapos niyang mag-shower at mag-blower ng buhok ng napakabilis, nagpasya na rin kaming matulog.
Pinag-awayan pa nga namin kung papatayin o pananatilihing bukas ang ilaw.
Sa huli ay siya ang nanalo like as if kuwarto niya to.
Grrrrrr...Habang nakahiga sa kama ay hindi ko naiwasang mapalingon kay Mars.
Gaya ko ay hindi rin pala siya makatulog.
" huwag mo akong pinagnanasaan ah, lalaki ang gusto ko "
Nakakatawang sabi niya.
" hindi ah, I'm just checking if you're already sleeping----"
"tigil-tigilan mo ako diyan ka iingles mo, may allergy ako diyan "
"allergy? bakit? paano?"
"ba't ba dami mong tanong?"
"ahhh la lang just wanna talk to you about something.. alam mo naman I can't sleep kasi and---"
"isa pa"
"oh yeah sorry, I mean
kasi hindi ako makatulog parang gusto lang kitang kausap "Pumikit siya kaya akala ko ay tutulugan na niya ako.
" Matutulog ka na?"
"hindi, gigising! kaya nga pumipikit di ba? nang-gigigil din ako sa'yo Yen ah"
Bakit ba lagi siyang galit?
pareho ni Ford.Dahil parang ayaw naman talaga niya akong kausap, tumahimik na lang ako at pumikit din.
" Gaano ka na katagal dito? "
Tanong niya.
Akala ko ba matutulog siya?
tapos ngayon magtatanong siya.Bahala ka diyan
hindi kita papansinin." huwag kang shung*, alam kong hindi ka pa tulog"
Napadilat ako ng mata.
Paano niya nalaman?
galing ah
" dalawang buwan na "
" tagal na pala"
" yeah, actually sa dalawang buwan na iyon napakarami na ngang nangyari like I was about to---------"
" hindi ko yan tinanong kaya manahimik ka"
" hey! napaka-rude mo naman sa akin.. masama bang magkuwento? "
" ayaw ko ng maingay kasama"
" problema ko ba yon?"
" ayaw ko ng sinasagot-sagot ako lalo na kung mas bata sa akin "
"wooh! kung makapagsalita ka,
bakit? ilang taon ka na ba? ""you don't need to know, tulog ka na"
" sabihin mo na "
"ayoko ng makulit"
