(Ford Rodriguez)
Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumatagos sa aking bintana. Hindi ko akalaing ganon na lamang katagal ang magiging tulog ko dahil naabutan pa ako ng paglabas ng araw.
Bumangon ako at tinignan ang oras, alas dyis na pala.
.
.
.Sandali? alas dyis na?
.
.
.Napatakbo ako sa labas ng kuwarto at nataranta dahil sa nakita ko. Halos lahat ng mga kasamahan ko ay nagsisidaingan ng kanilang mga tiyan.
Sh*t! anong nangyari? may kakaiba akong kutob dito ah. Tumakbo ako papasok sa kuwarto ni Yen. Wala na siya roon ang tanging naabutan ko lang ay sina nanay Tessie, Jona, Carlos at Fernan na parang mga tutang takot ng makita ako.
"anong nangyari dito? bakit may sakit lahat ng bantay "
Natataranta ko ng tanong pero hindi pa rin nila kayang sumagot. Nakayuko lamang sila at halatang ayaw magsalita.
"damn it! sumagot kayo! na saan si Yen Villardez!!"
Kung hindi pa ako sumigaw ay wala talaga silang balak sumagot.
" Kuya patawad, sorry talaga... awang-awa na talaga kami kay ate Yen.
Tinulungan namin siyang tumakas dahil sabi niya may sakit daw sa puso yong tatay niya, baka raw ma-atake kapag hindi pa siya umuuwi. Sorry talaga kuya naawa lang po talaga kami sa kaniya kaya--------------------" ani JonaHindi pa niya natatapos ang pagpapaliwanag ay tumakbo na ako palabas . Nasa panganib ang buhay ni Yen ngayon, kung sakaling nakarating na siya sa paanan ng bundok, baka bihag na siya ng mga rebelde doon.. sh*t! sh*t!
Kung bakit ko ba kasi ininum yong kape na binigay ni nanay Tessie kagabi. Siguradong iyon ang dahilan ng napahaba kong tulog.
Agad kong isinukbit ang aking baril at balisong sa aking pantalon at nagtatatakbo pababa ng bundok.
Napakakulit naman kasi ng babaeng iyon, matigas pa rin ang ulo niya hanggang ngayon.(Yen Villardez)
Kanina pa ako tumatakbo dito pababa ng bundok pero bakit hindi ko pa rin makita ang highway? pagod na pagod na ako at uhaw na rin, ilang oras na rin akong nagtatatakbo.
Kailangan kong makarating sa highway bago malaman ni Ford ang ginawa ko, kapag nagkataong mahuli niya ulit ako ay baka talagang itali na niya ako.
Hindi ko hahayaang magwithdraw ng candidacy si dad para sa pagiging congressman dahil lang sa akin.
Pangarap niya iyon simula pa lang noong bata ako, palagi niya iyong kinukuwento sa akin at kung pagbibigyan siya ng mga tao ay maaari pa siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.
Kaya gagawin ko ang lahat makatakas lang dito, gagawin ko ang lahat para sa kaniya.
Matarik ang bundok at ilang beses na rin akong nadapa. It actually hurts but it's okay, as long as I will reach home it will all be healed.
Matapos ang ilang oras na kalbaryo ko ay natanaw ko na rin ang patag.
Sa hindi kalayuan ay naaninag ko ang mga taong nakaupo at nagkukuwentuhan. Nagpasalamat ako dahil sa wakas ay may sasaklolo na rin sa akin.
Itinaas ko ang aking mga kamay at sumigaw para kanilang mapansin.
Narinig naman nila iyon kaya agad silang tumakbo palapit saakin.