CHAPTER 32

6 1 0
                                        

(Ford)

Ito na ang huling araw ng pamamalagi nina Yen dito kaya busy kaming lahat sa paghahanda sa pag-alis nila.

" Chairman,  pwede po ba tayong magpapicture?  "

Tanong ng isa sa mga kasama ni Yen habang busy akong nagbubuhat ng mga karton.

"o sige"

Sagot ko naman kaya nagmadali siyang lumapit.

"ay sandali,  kailangan natin ng kukuha ng picture"

Sabi niya.
Saktong dumaan si Yen kaya siya ang tinawag ng babae.

"ma'am Yen,  pwede mo ba kaming kunan ng picture? please"

Paki-usap niya.
Nakangiti namang kinuha ni Yen ang phone at dali-dali niya kaming kinuhanan ng picture.

Okay pa yong una at pangalawa naming pose pero ikinagulat ko yong panghuli dahil sa bigla niyang pagyakap sa akin.

"thank you ma'am Yen"

Pagpapasalamat niya tiyaka kinuha iyong cellphone niya.

Bago kami iwan ni Yen,  tinignan muna niya ako ng masama.
Hindi ko naman alam iyon na gagawin niya ah bakit parang ako pa ang may kasalanan.

"huh? bakit ganon? blured yong last photo?  ni hindi ko na marecognize yong face ko? "

Nagtatakang tanong sa sarili nong kasama ni Yen na nakipicture kanina.

Napangiti na lang ako tiyaka umalis.
Ibang klase talaga ang Yen na iyon.
Bago ako bumaba sa bundok para ihatid sina Yen,  pumunta muna ako sa opisina para kunin ang ilang mga papeles na naiwan nila sa akin.

Palabas na sana ako ng opisina ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Hindi ko ito sinagot agad dahil sa kakaibang awra na aking naramdaman.
New number kasi ang tumatawag kaya wala akong ideya kung ano ang intensyon ng taong ito.

"sino to"

Tanong ko sa kabilang linya habang kabadong kabado

" Mr.  Ford Rodriguez... hahahaha long time no talk,  musta ka na? "

Nakakagulat na bungad ng isang pamilyar na boses.

Antagal ko siyang hinintay,  bakit ngayon lang siya bumalik kung kailan ayos na kami ni Yen.

" Suarez!..  You traitor! "

Sigaw ko sa kaniya.
Matapos ng lahat ng usapan at plano namin,  iiwan niya ako sa ere na ni wala man lang akong ideya kung nasaan siya.

" how dare you call me with that tone na parang wala kang kasalanan! "

" chill,  kaya nga bumalik na ako ngayon"

" do you think I'll still trust you? you can't decieve me anymore! "

" I have my reasons Ford,  malalaman mo rin pag nagkita tayo"

"at kailan pa ang pagkikita natin na yan? "

"bukas,  kita tayo "

Tumawa ako ng sarkastiko dahil sa napaka-imposible niyang sinabi.

" stop laughing,  nakabalik na akong Pilipinas "

Muli na naman akong natawa sa sinabi niya.

" kailan pa?  " tanong ko

" a month ago "

" g*g* ka talaga Suarez!  matagal na pala,  bakit ngayon ka lang tumawag?"

" wooh!  huminahon ka,  marami akong nilakad na papeles that will help in pursuing our plan"

His PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon