(Yen)
*3:32 am*
" malayo pa ba? "
Naiinip ko ng tanong kay Mars habang nasa biyahe pa rin kami papunta sa probinsya raw nila.
" isang oras na lang, bat ba ang atat mo"
" kinakabahan na kasi ako dito kay Ford, bakit kanina pa siya hindi gumigising? "
" may pulso ba? "
" meron "
" normal naman? "
" oo "
" tulog lang yan, huwag kang magpanik "
" eh bakit ilang oras na ang-------"
" ingay "
Pareho kaming napalingon kay Ford ng bigla siyang nagsalita.
" Ford? gising ka na ba? "
Tanong ko habang tinatapik ang pisngi niya.
" Oh Yen! *hiks* ikaw pala yan, anong *hiks* ginagawa mo rito?*hiks* nasaan si Nicole"
Patigil-tigil niyang tanong dahil sa kalasingan.
So, Nicole pala ang pangalan ng babaeng iyon.
" ahh wala, umuwi na siya "
Tugon ko.
Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko tiyaka nilapit sa mukha niya.
" Bakit ganiyan ang itsura mo? *hiks* nagseselos ka ba? "
Namula ako dahil sa tanong niya.
Parehong-pareho talaga sila ng iniisip ni Mars.
" hindi ah, matulog ka na nga ulit "
" ayaw! gusto ko ganito *hiks* lang tayo "
" Ford! "
" bakit? "
" matulog ka na lang at lasing ka pa"
" woooh! sinasabi mo lang yan dahil sa ayaw mong asarin kita *hiks* yieee! si Yen ko! *hiks* nagseselos!! "
Argh! ganito ba talaga ang mga lasing? parang mga bata.
Hindi mapagsabihan.
" Ford, hindi nga ako nagseselos huwag ka ng makulit "
" yakapin mo nga ako kung totoo ang sinasabi mo "
" y-yakapin? "
Napatingin si Mars sa amin sa pamamagitan ng mirror.
" sige na, pagbigyan mo na para matahimik "
Pagpipilit din niya.
Dahil doon ay wala na akong nagawa, niyakap ko na lamang siya at tinapik-tapik ang likod niya.
" Yen ko? "
Tawag niya sa akin habang magkayakap pa rin kaming dalawa.
Talagang may 'KO' pa yong pagtawag niya sa akin ah.
" hmm? "
" ganda mo "
Hindi na naman ako nakapagsalita sa sinabi niya.
May good effect din pala ang lasing minsan.
" Do you find me handsome too?"
" huh? "
" what do you think? "
" ahhh... yeah! ofcourse, gwapo ka rin naman "
" talaga? "
" oo nga "
" thank you! *hiks* that's enough for me to keep holding on "
" keep holding on? what do you mean? "
