(CONGRESSMAN DANTE VILLARDEZ)
" Tapos na ba yong mga inutos ko sayo? "
Tanong ko sa sekretarya ko ng makapasok siya sa opisina ko
" yes congressman, naisend ko na rin pala sa email lahat ng documents "
Tugon niya
" sige you may leave now "
" thank you sir "
Nang makaalis siya ay agad ko naman inopen ang isang video message na katatanggap ko lang kanina.
Hindi ko alam kung kanino galing ito pero may kakaibang kaba akong naramdaman kanina.
" by the way sir, sabi po ni ex-congress----------"
Dahil sa gulat, naisara ko ng palibag yong screen ng laptop ko ng muling pumasok yong sekretarya ko.
" my goodness! kumatok ka naman kung papasok ka!"
Bulyaw ko sa kaniya.
" sorry sir pero sabi niyo po kasi hindi ko na kailangan pang kumatok pag papasok "
" shut up! sumasagot ka pa.. lumabas ka na nga at siguraduhin mong kumatok ka kapag papasok ka!"
Matapos lumabas ng sekretarya ko , kabado kong muling binuksan ang screen ng laptop ko at doon ko na tuluyang pin-lay yong video.
" I know, you are so happy on that throne now
you've got the power, wealth, fame and the control but don't forget this------Dante Villardez, I'm still alive, kicking and breathing.
Huwag kang papakampante,
because when I come back, you will regret everything and when I say everything, I MEAN IT!! , HAHAHAHAHA!!By the way, I heared that your beautiful daughter is somewhere far away from you.
Alam mo ba kung sinong kasama niya doon?
Hahahaha!! hulaan mo na lang, basta ang alam ko.. ang taong iyon ay ang taong alam kong makakapagpabagsak sa yo..Ito lang muna sa ngayon Dante.
Sa susunod, makikita at makakausap mo na ako ng personal "
Nagkukuyum ng bisig kong tinigil ang video.
This is bullsh*t!
This is really bullsh*t!
Lumabas ako ng opisina na galit na galit at agad sumakay sa kotse.
Inutusan ko ang aking driver na dalhin ako sa bahay ni ex congressman (iyong taong pinalitan ko ng position noon)Pagkarating ko roon ay agad akong dumiretso sa sala nila kung saan siya relax na nagbabasa ng diyaryo at humihigop ng kape.
" oh, what brings you here amigo? "
nakangiti niyang tanong
buti pa ito, relax na lang at mukhang wala ng problema" we need to talk "
Tugon ko
Pinalabas na muna niya ang ilan sa mga katulong niyang naglilinis sa loob ng bahay upang maging pribado ang aming pag-uusap.
" bumalik na siya "
Saad ko" sino? "
" kilala mo na "
" eh ano ngayon? "
" anong eh ano ngayon? what about me? my position? mawawala lahat ng pinaghirapan ko "
Sa kabila ng pangangamba ko, nakuha pa niyang ngumiti at muling magbasa ng diyaryo.
Dahil ba wala ng mawawala sa.kaniya kaya wala na siyang paki alam?
Hindi ba niya naaalala na marami akong alam na baho niya.
