Disclaimer: This is not based on true story, this is a work of fiction. All names, some places and events, are just written by the author's imagination.
Do not copy this story, plagiarism is a crime.
Grade 7 lang ako ng ginawa ko tong plot so please expect, this is cliche. Lol
Prologue:
Xyra's POV
Lakad dito, lakad doon. Wala na akong ginawang iba kundi ang maglakad. Nasaan na nga ba ako? Hindi ko na alam. May sariling buhay ang mga paa ko at hinahayaan ko nalang kung saan ako dalhin.
Kasabay ng pagtulo ng luha na sumasabay sa lakas ng ulan, pati ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.
I sighed heavily, I chose this instead of sleeping in our house. Ginusto ko ang maging ganito ngayon.
Lakad lang ako ng lakad, walang kasiguraduhan sa pinupuntahan. Ramdam na ramdam ko na ang panginginig dahil sa lamig ng ulan.
Nanlalabo na yung paningin ko dahil iyak ako ng iyak. Ayoko ang pagiging iyakin pero ngayon, wala akong ibang magawa kundi ito.
I'm so occupied in my thoughts hanggang sa naramdaman ko nalang na nakaupo na ako sa kalsada. Anong nangyari? Inangat ko ang tingin ko at naaninag ko ang isang kotse na nasa harapan. Muntik pa pala akong masagasaan, natawa ako ng mahina. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod ng katawan ko.
"Miss okay ka lang?"
May kumakausap sa akin pero di kona masyadong marinig, nahihilo na ko. Napahiga nalang ako sa malamig na kalsada, fuck this night.
Then everything went black.
Kyle's POV
"Miss okay kalang?"
Tanong ng driver namin sa babaeng muntik naming masagasaan. I brushed my hair, hindi kasi nag iingat magmaneho.
Nanatili ang tingin ko sa babae. What the fuck, bulag ata sya para di nya makitang may kotseng dumadaan.
Kami pa masisisi ng dahil sa katangahan nya. Gusto ko ng makauwi pero ito naman at may nangyari pa.
"Sir Kyle, nawalan po ng malay tong babae, ano gagawin natin?" Tanong sakin ni Mang Edwin. I sighed at nagulo nalang ang buhok ko, nagka aberya pa talaga ngayon.
"Shit, wait lang. I'll call my mom."
I dialed my mom's number habang nakatingin sa babae. Sinagot na agad ni mommy yung tawag.
"Mom?" Tanong ko.
"Hello kyle---- bakit ka napatawag?" Pati signal nagloloko. Great, just great. Kaya ayokong umuulan ng wala ako sa bahay.
"What should we do? Muntik na kaming may masagasaan, eto walang malay." Iritadong saad ko.
"What? Hindi kasi kayo nag iingat. Responsibilidad nyo yan dahil muntikan nyong mabunggo." Sermon nya sa kabilang linya, napamura nalang ako ng mahina.
"Kami pa yung may kasalanan? Kung hindi ba naman sya tanga na maglakad sa gitna ng kalsada." Pagdadahilan ko.
Malay ba namin na wala syang planong gumilid at dito pa sa gitna inirampa ang katangahan nya.
"Kahit na anak, dapat nag ingat kayo. Para matapos ang usapan, dalhin nyo sya dito right now. I will end this call, may ginagawa pa ako."
"What? Wait---" Naputol ang reklamo ko ng pinatay na nya yung tawag. Napaawang ang labi ko, seriously?
Dadalhin namin yan sa bahay? Alright, as if naman na mapipigilan ko si mommy sa desisyon nya.
"Sir anong sabi?"
"Ipasok mo na yan sa loob ng kotse at dadalhin natin sa bahay." Mabilis akong pumasok sa kotse at maya maya,
Sumunod naman si Mang Edwin at ipinasok sa backseat ng kotse namin yung baliw na babae.
Napakunot nalang yung noo ko ng mapansing wala syang kahit anong gamit or bag na dala.
I looked at her again mula sa sidemirror. Mukha naman pala syang matino, tanga lang talaga.
She looks damsel in distress.
Reminder: Grammatical and typographical errors ahead.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?