Xyra's POV
"Gusto mong hanapin natin mommy mo?" Pangungulit sakin ni Kyle. Kanina pa nya ako tinatanong nyan simula ng magkwento ako sa kanila mula pa kanina.
Umiling ako uli at tinignan sya.
"Wag na muna. Baka may reason naman si mama para iwasan ako, hihintayin ko nalang." Paliwanag ko at tumango sya sakin.
"Bes, punta lang ako sa park. Sama ka?" Singit ni Hannah samin dahil nandito kasi kami sa kwarto ni Kyle.
Si Lola Alicia, may pinuntahan at bukas pa ata ang uwi. Buti nalang at hindi pa ako komportable na nandito sya at kinakausap ako.
"Just rest in here, baby. Magpahinga ka muna dito sa mansion." Sabi ni Kyle at wala na akong nagawa dahil kahit ako, pakiramdam ko napagod ako.
"Okay, bye bye na. Si Shaira maldita nalang isasama ko." Nagulat ako sa sinabi nya at inangat ang tingin. Si Shaira ang isasama nya?
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya ngumiti sya ng malawak sakin.
"Syempre hindi. Magiging okay lang ang turing ko sa kanya pag nagkaayos na kayo." Humalakhak sya.
Kyle just chuckled at itinuon na uli ang tingin sakin. Humiga nalang ako sa kama at tumingin sa kisame.
"Oops wait. Wag gagawa ng miracle ah? Hindi pa pwede." Muntik na akong mapabangon sa sinabi ni Hannah bago sya umalis at sinara ang pintuan.
Sumandal lang si Kyle sa upuan habang tinitignan ang reaksyon ko. He smirked.
Napabangon ako agad. Shit, kami nga lang pala dito. Ilang beses ko naman na syang nakasama sa kwarto at nakatabing matulog, wala namang nangyayari. But still, I'm always nervous."K-kyle." Tawag ko sa kanya. Umupo sya sa kama at tinabihan ako. Ako naman, sa sobrang paranoid at greenminded, umusog ako konti. Mahirap na dahil sa sobrang gwapo nya baka mahynotize ako bigla.
He chuckled dahil sa ginawa ko, binatukan ko sya agad pero mahina lang naman.
"Anong kalokohan tumatakbo sa isip mo ngayon?" Taas kilay na tanong ko. Ngumisi lang sya sakin at pinaglaruan ang kamay ko na hawak hawak na pala nya.
"Nothing. Makapagreact ka parang di pa tayo nagkasama sa iisang kwarto." Humalakhak sya.
Namula ako dahil don, hindi padin kasi ako sanay. Damn it, magsisimula na namang mang asar ang napaka inosente kong boyfriend.
"Oh bakit ka namumula?" He playfully asked me.
"Leche ka talaga. Ikaw naman kasi yung laging nagsa suggest na tumabi sakin." Depensa ko.
"May sinabi ba akong ikaw? You're guilty."
"Ako guilty? I'm just explaining my side." Nakanguso kong sabi kaya ginulo nya yung buhok ko.
Umupo nalang ako sa kama at ganoon din sya. Ang tahimik, awkward lang kasi ngpapakiramdaman kami ngayon. Anong meron?
"Hey." Tawag nya sakin.
"Hmm?" Tanong ko at nagkatinginan kami parehas. Habang nakatingin ako sa mga mata nya, it feels like I'm drowning.
"I just want to say..." Putol nya at hinawakan ang kamay ko. He is damn serious right now.
"Everything will be alright. Don't give up to your mom, to Tita." He genuinely smile. Ngumiti rin ako ng bahagya. Sana.
"Yes. Promise, di ako titigil hanggang makasama ko na si mommy." Saad ko at bumalik na naman sa isip ko lahat ng mga tanong.
I will wait. Everything is with reason diba? I want my family to be completed. Hindi naman siguro imposible yan, dahil nakikita ko na si Mama.
Someone's POV
"Sir, ano pong sunod na plano?"
Napatingin ako sa bintana. Nauubusan nako ng oras. I need to see my daughter.
"Hm. I bet this is the right time to meet my daughter so, please.... Follow her tomorrow."
"Susundan lang namin sir?" Tanong pa sakin. Napaisip ako ng malalim.
"Nope, kidnap her if necessary. Dalhin nyo sya dito, don't hurt her okay? Baka kung ano mangyari sainyo. Patulugin nyo kung ayaw sumama. I badly want to see her. Baka maunahan ako ni Melissa."
Xyra's POV
It's almost 7:30 pm at nandito pa rin kami sa mansion.
Nasa sala kaming tatlo ni Shaira at Hannah. Kyle went at the house nung Tito nya. Si Lawrence, ewan ko kung asan na.
Tahimik lang kaming tatlo at mga di nag uusap. Mas okay nga naman kasi baka mag sagutan pa pag nag ingay.
I sighed.
Lumabas muna ako at hindi naman pinansin nila Hannah at Shaira. Busy kasi sila sa pinapanood. They're watching Netflix samantalang ako, di ko maintindihan yung movie.
Umupo ako sa bench at tumingin sa taas. Ang ganda tignan ng buwan ngayon, it's shines so bright.
Nagulat ako ng tumunog ang phone ko. Lawrence is calling me, bakit sya napatawag? Sinagot ko naman yon agad kasi baka importante.
"Lawrence---"
"Xyra." Napahinto ako ng marinig ang boses nya. Lasing ba sya? Paos kasi at medyo hindi maayos.
"Bakit? Nasaan ka?" Tanong ko nalang.
"Uh, andito sa club." Ngayon ko lang nahalata na maingay sa background. Pakiramdam ko may problema talaga sya dahil nung nasa mall palang, something's wrong in his eyes.
"May problema ka ba?" Tumayo ako at naglakad lakad habang hinihintay syang sumagot.
"N-nothing. Hm, asan si Kyle?"
"Nasa Tita nya. Ikaw naman kasi, bat ka umiinom ngayon? Bawal pa yan ah?" Saway ko at narinig ko ang mahinang tawa nya.
"Konti lang naman to xyra. Don't worry about me." Tumahimik ako kaya nakaramdam ako ng awkwardness. What now?
Hindi rin sya nagsalita. Magsasalita sana ako uli kaso naunahan nya ako.
"Can, we talk?" I chuckled.
"Nag uusap na tayo, lasing kana ata." Sagot ko pero hindi sya natawa. Bumuntong hininga lang sya sa kabilang linya.
"Fuck. Gusto ko ng sabihin." Mahinang sabi nya na parang kinakausap yung sarili. Sabihin yung ano?
"Lawrence, papasundo na kita dyan. Baka masobrahan ka." Concerned na sabi ko at pumasok na sa loob.
"Xyra----"
"Sino kausap mo bes?" tanong ni Hannah ng makita akong papalapit sa kanila. Tumaas lang ang kilay ni Shaira.
"Si Lawrence." Tumango tango naman sya at tumayo.
"Pakausap nga." Sabi nya at dali daling kinuha ang phone sakin, natawa nalang ako.
"Hoy ikaw yung hiniram----" hindi na namin narinig kasi lumabas sya. Napatingin ako kay Shaira na ibinalik ang tingin sa pinapanood.
Kailan kaya kami magiging okay?
"Anong oras babalik si Kyle?" Tanong nya sakin. Bakit sa akin pa nya tinatanong?
"I don't know, walang sinabi sakin." Tipid na sagot ko kaya tumango nalang sya at di na nagsalita. Maya maya, pumasok na si Hannah. Dahan dahan syang naglakad papunta sakin at ibinalik yung cellphone.
"Okay na?" Tanong ko. Tumango sya pero para syang umiiwas ng tingin sakin. Nagtaka ako kaagad.
"Anong pinag usapan nyo?"
Tumitig sya sakin ng ilang minuto bago sumagot. Kumunot ang noo ko sa ginagawa nya.
"Wala naman. Nag asaran lang, sinabi ko na din kay manong na sunduin si Lawrence tas ihatid sa kanila. Everything's okay." Saad nya kaya naman tumango ako.
Tinignan ko ang cellphone at wala naman ng sinabi or message si Lawrence. Tumingin ako uli kay Hannah na sumulyap sakin. Bakit ang weird nila?
I decided na umakyat nalang sa kwarto at humiga. Grabe, nakakapagod. This week is exhausting. Gusto ko ng umuwi samin at simulan ng ayusin ang mga problema.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?