Xyra's POV
"Ma, aalis na po kami." Paalam ni Lawrence kay Tita at ganoon din ang ginawa ko.
"Sige mag ingat kayo okay? Enjoy the moment." Asar ni Tita samin kaya natawa nalang si Lawrence.
"Ma naman." Tumawa lang si Tita samin. Umalis na kami at agad pumara ng taxi.
"Anong bibilhin mo sa mall?" Tanong nya sakin at napaisip ako. Actually, hindi ko alam dahil gusto ko lang talaga magpakabusy. Nagkibit balikat ako.
"Pupunta tayo sa mall tas di mo alam bibilhin mo?" He chuckled.
"Oo." Simpleng saad ko nalang.
"So mamamasyal lang tayo don?" Tanong nya pa sakin. Kung sa iba nalang kami pumunta?
"Sa iba nalang tayo pumunta." Sabi ko at tumango lang sya.
"Sige. Ikaw mag isip kung saan."
Nag isip ako. Sa park? Common na common na. At times like this, I need someone to talk besides kila Lawrence. Sumagi bigla sa isip ko si Hannah, my bestfriend.
Oo nga tama. Sya ang kailangan kong puntahan ngayon.
"Lawrence, sa bahay tayo ng bestfriend ko pumunta? Please." Sabi ko kay Lawrence.
"Sure. Saan ba yon?"
"Sa Vega Village." Sagot ko at sinabi nya yon agad sa driver. Medyo malayo rito, sana nandoon sya dahil gala pa naman yon gaya ni Thalia.
Someone's POV
Nakatingin lang ako dito sa rooftop at iniisip sya. Nagmana sya kay Tita at sobrang ganda. Kung hindi ko lang sya pinsan, liligawan ko yon. I chuckled.
Tatlong beses ko na syang nakikita. Dapat nga sasabihin kona yung totoo kaso sabi ni Tita or aka 'madame' wag muna. Edi hindi muna ako nagpakilala, masunurin naman ako.
Pa mysterious guy muna ako. Alam nyo ba kung bat madame yung tawag ko kay Tita? Dahil sobrang yaman nila. Plus, bilyonaryo yung asawa nya which is si Tito. Ang swerte nga ng pinsan ko dahil sobrang yaman ng pamilya nya. Kaso, hindi perfect family. Wanna know why? Long story.
Malapit ng maging buo yung family ng napakaganda kong pinsan. Konting araw nalang, everything will fall into right places.
But, destiny already changed everything. It already made a big twist.
Xyra's POV
Nakapasok na kami sa Vega Village which is pagmamay ari ng parents ko. I mean, the family who adopted me since I was a kid.
I should be thankful dahil malayo ang bahay namin sa bahay nila Hannah.
Dahil nakabukas ang bintana ng taxi, may mga nakakakilala sa akin at kinakamusta ako. Bumabagal tuloy yung takbo ng taxi, inasar pa ako ni Lawrence na ang famous ko raw dito sa Village.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Hannah. Excited akong bumaba at lumapit ako kaagad sa gate nila. Medyo may mga nagbago sa itsura ng bahay nila pero ganon na ganon padin.
"Eto na ba bahay ng bestfriend mo? Well, it looks so elegant huh." Sabi ni Lawrence at tumango naman ako.
Pinindot ko na yung doorbell. God, sana nandito sya ngayon. Pinindot ko pa uli yung doorbell at biglang bumukas yung pintuan at nakita ko na ang bestfriend ko. Shems, I miss her.
"Bessie!" Sigaw nya at tumakbo agad para buksan yung gate. Agad kaming nagyakapan.
"Gaga ka I miss you!"
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?