Chapter 47

633 50 1
                                    

Xyra's POV

Pinatay ko yung alarm clock ng nakapikit. Ayoko gumising, ang ganda pa naman ng panaginip ko. Another day to go at school.

Automatic ko munang chineck if I have muta or what bago dumilat. Tinanggal ko ang natitirang nakatalukbong na kumot sa mukha ko. And when I opened my eyes, si Kyle ang bumungad.

"Goodmorning." Napaupo ako kaagad sa kama at nagtataka syang tinignan. He chuckled at my reaction.

"What? Ayaw mo ba ko na nandito?" Tanong nya sakin at umupo rin sya sa kama ko. I brushed my messy hair dahil baka mukha akong nasabugan ng bomba.

"S-syempre gusto. Pero paano ka nakapasok?" Tanong ko sa kanya at inalis ang kumot sa katawan ko.

"Iniwan mo kasing nakabukas. Get up sweetheart, let's eat breakfast." He smiled at me, napangiti nalang ako at namula ng maalala yung kahapon.

"Totoo ba yung kagabi?" 

"May patunay naman na totoo yon diba? Gusto mo ulitin?" He playfully smirked. Naihampas ko nalang sa kanya yung unan bago tumayo.

"Bawal na, you stole my first kiss." Reklamo ko habang nasa tapat ng salamin. Lumapit sya sa akin at nagulat nalang ako ng hapitin nya ako sa bewang at ipalupot ang braso ng marahan. Umagang umaga, naghuhurumentado ang tyan ko.

"Kyle." Mahinang tawag ko sa kanya at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko lang syang nakatitig sa repleksyon ko.

"Why baby?" Nakangising sabi nya habang nakapatong yung ulo nya sa balikat ko. Ganito ba maging boyfriend si Kyle? Damn, hindi ko talaga sya papakawalan.

"Umaga pa lang pero ang landi mo na." Tumawa ako.

"Can I receive my morning kiss?" He asked kaya humarap na ako sa kanya. May paganto pala syang nalalaman.

"Ah huh? No." Tumango tango sya.

"Si Thalia nandito." Lumingon ako sa pintuan pero nagulat nalang ako maramdaman ang labi nyang dumampi sa pisngi ko. Gulat akong tumingin sa kanya.

"Hindi ko sinasadya." He chuckled at mabilis na umalis sa kwarto ko. Tumakbo narin ako palabas ng pintuan at hinabol sya. Bakit hindi sya sumali sa track and field?

"Kyle!" Tawag ko sa kanya pero kakarating nya lang pala sa diningtable. Kunot noo kaming tinignan ni Thalia na kumakain na.

"Goodmorning." Bati ko at ngumiti. Sumulyap ako kay Kyle na pinipigilang tumawa.

"Morning din. Habulan agad? Ang aga aga." Mapanuksong sabi nya kaya siniko ko agad si Kyle pagkaupo ko.

"Stay Strong!" Masayang sabi ni Thalia samin. Oh alam nya pala, napangiti naman ako.

"Sinabi mo pala?" Mabilis na umiling si Kyle at nagkibit balikat.

"Nakita ko kayo sa Terrace kasi umakyat ako para sana magpahangin. Nakakulong ka sa braso ng malandi kong kuya at nag uusap kayo ng masinsinan. Ayon, umalis naman ako agad." Kwento ni Thalia at namula ako. Bahagyang tumawa si Kyle at sinabihang chismosa ang kapatid nya.

"Balak nyong sabihin sa B9? Sa classmates?" Oo nga pala, bigla nalang akong kinabahan. What will be their reaction?

"I don't know." Sagot ko at nabigla ng si Kyle na ang nagsandok ng pagkain para sakin. My heart fluttered.

"Nako, kumain muna bago lambingan. Toxic sa lipunan e." Nakabusangot na sabi ni Thalia habang kumakain.

"Toxic ka dyan? Bitter ka lang. Manang! Pakainin mo pa to ng ampalaya." Nag asaran silang magkapatid. Napangiti nalang rin ako, sana may kapatid din ako para maging ganyan rin kami.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now