Chapter 73

723 23 33
                                    

Xyra's POV

"Bes, tara na sa baba! Nag iintay na sila Kyle at Lawrence." Tawag sakin ni Hannah ng pumasok sa kwarto na tinulugan namin.

Nag aayos pa kasi ako ng buhok. Aalis daw kasi kami sabi ni Kyle, para naman di maboring dito sa mansion ni Lola Alicia. At baka ayon, makausap na naman kami.

"Ayan, tapos na ako. Asan si Shaira? Nandoon na rin ba sa baba?" Tanong ko at nagsimula na kaming maglakad. Naka fubu t-shirt lang ako at maong na short.

Napasinghap ako ng hangin dahil ngayon ko lang narealize na ang iksi pala nito masyado.

"Oo ata, pake ko ba sa kanya? Nako, wag mo ngang isipin yung babae na yon dapat nga di nalang sya sinama." Angal ni Hannah at inayos ang nakapusod na buhok nya.

Bumaba na kami ng hagdan at nakaupo nga sa sala si Kyle at Lawrence.

Agad kong tinignan si Kyle na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. Hindi pala sakin, sa suot ko mismo. Panget ba?

"Hey we're done. Naks naman ang popogi." Natatawang sabi ni Hannah at lumapit na nga kami.

"Kami pa ba? Sus maliit na bagay." Ngisi ni Lawrence at nadako ang tingin sakin. Ngumiti ako sa kanya pero bigla nalang akong-- pinitik ni Kyle sa noo.

Tinignan ko sya ng masama. Anong problema nito?

"Masakit hoy. Bakit mo ako pinitik?" Tanong ko. He sighed.

"Ano yang suot mo?" Tanong nya at pinasadahan ako ng tingin. Nag init naman ang pisngi ko sa ginawa nya.

"Damit?" Nakangiwi kong sagot kaya pinanliitan nya ako ng mata.

"Maganda naman to sakin, diba?" Dugtong ko at tumingin pa mismo sa sarili.

"Tss." Sagot ni Kyle kaya ngumuso nalang ako.

"Ang sexy kaya tignan ni Xyra. Killjoy mo naman Kyle." Humalakhak si Hannah at inakbayan ako.

"Bagay talaga yan sayo kaso protective yang boyfriend mo." Sabi naman ni Lawrence at umupo sa sandalan ng sofa.

"You're exposing your legs, baby. Hindi yan pwede sakin okay?" Wala na akong nagawa ng bigla nalang may itali na jacket si Kyle sakin para kahit papano matakpan yung sa likod.

"Alright, I won't remove this." I smiled and tapped his cheeks. He chuckled at hinuli ang kamay ko.

"Wala bang magbabawal sakin? Hello, naka short din naman ako." Pumunta pa sa gitna si Hannah at tumingin kay Lawrence. Wait, di kaya, gusto ni Hannah tong si Lawrence? Maasar nga sya mamaya.

"Bakit sakin ka nakatingin? Bahala ka dyan, wala kang boyfriend dito." Natawa nalang kami pero natigil agad ng marinig namin si Shaira.

The bitch is here. Hindi na namin sya kinausap about sa ginawa nyang pagsumbong samin kagabi.

"I'm done. Tara na?" Nakangiting sabi nya at pinagmasdan ko sya.

No doubt na nagustuhan sya ni Kyle dati, sobrang ganda. Kahit naka fitted yellow na dress lang sya, angat yung ganda. Napaiwas ako ng tingin, damn. Hindi naman siguro ako naiinsecure.

"Tara na. Kasi naman, ang tagal." Parinig ni Hannah at nagsimula ng maglakad palabas ng pintuan.

"Whoah, edi sana nauna kana."
Pabalang na sagot ni Shaira at tinaas ang kilay kahit nakatalikod si Hannah.

I sighed at hindi na nakisali sumagot dahil wala ako sa mood makipag away.

"San nga pala tayo pupunta?" Tanong ko. Di ko kasi narinig nung nag uusap sila kaninang breakfast.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now