Xyra's POV
Hindi na namin natapos yung Truth or Dare. Hanggang kay Kyle lang dahil biglang dumating yung mga maids at kumain kami saglit.
"Anong oras kaya natin to matatapos?" Tanong ni Bea habang nagdidikit ng mga designs sa scrapbook.
"Buti nga sa inyo 38 lang. 54 samin." Sabi ko habang idinidikit yung isang heart sticker sa isa naming picture ni Kyle. Talagang matagal dahil kasama pa yung mga description and ibang informations about sa pinuntahan namin.
"Kyle, tawagan mo kaya si Ma'am Fiona." sabi ni Lawrence na busy sa paggupit ng colored papers na ipapatong sa mga page ng scrapbook nila.
"Oo nga, wait tawagan ko tas mag rerequest ako kung pwedeng ma late tayo bukas." Kinuha ni Kyle yung cellphone nya at nagsimulang tumawag. Sana pumayag naman si Ma'am or sana gising pa sya ngayon. Alas dose na kasi ng madaling araw.
Matagal pang nag ring yung cellphone bago sagutin.
"Ma'am.. Ah gumagawa pa po kasi kami ng scrapbook.. kani kanina lang po.. pwede po bang ma late kami ng pasok bukas?... Ah kahit hindi na po?... Yes, salamat ma'am... Sige po, sorry sa istorbo."
Pinatay na ni Kyle yung tawag at nakangiting tumingin samin.
"Anong sabi?" Tanong ni Lawrence.
"Pwede daw ma late tayo ng pasa nyan pero kahit daw hindi na tayo pumasok bukas, iabot nalang yang scrapbook."
"Yes!" Masayang sabi ni Bea at parang ginanahan bigla sa ginagawa nya.
"Pano yung iba nating profs?" Tanong ko dahil hindi rin kami makakapasok sa klase nila kung aabsent kami.
"Inexcuse na daw tayo ni Ma'am Fiona sa lahat ng subjects."
Tumahimik na kami dahil busy talaga kami sa paggawa ng scrapbook. Aanhin ba naman kasi ni ma'am to? Pinapahirapan lang ata kami.
Around 1 am na at nakalahati na namin yung ginagawa.
"Tapos na kami ni Bea. Kayo ba?" Mapungay na yung mata ni Lawrence at si Bea naman, papikit na at hikab ng hikab.
"Hindi pa." Sagot ko at inaantok narin naman ako.
"Ang daya nyo naman." Angal ni Kyle na Nakatuon ang pansin sa ginagawa.
"Pwede na ba ako matulog?" Tanong ni Bea na gusto na talagang ipikit yung mata.
"San kami pwede matulog?" Tanong ni Lawrence na inililigpit na yung kalat nila.
"May extra pang kwarto rito, tanungin nyo sila Manang Elinda sa baba. " Sagot naman ni Kyle.
"Tara na Bea, samahan na kita matulog. Mauna na kami." Hinila nya si Bea at lumabas na sila sa kwarto. Kami nalang yung naiwan dalawa.
"Ilan pa yung pictures na nandyan Kyle?"
"13 nalang." Sagot nya at umupo sa harapan ko. Napahikab ako bigla kaya sumulyap sya sakin.
"Gusto mo nabang matulog?" Tanong nya sakin. Tumingin na rin ako sa kanya at pinikit saglit ang mata.
"Oo, kaso medyo lang naman."
"Ako inaantok na." Tamad na sabi nya at humiga sa kama. Nanlaki ang mata ko at mabilis syang niyugyog sa balikat.
"Wait dito kaba matutulog?" Tanong ko.
"Ayaw moba? Sa kwarto ako ni Thalia matutulog, mahirap na at makita kitang nilalamig. May magawa na naman ako."
Nag iwas ako ng tingin ng maalala yung magkatabi kaming natulog sa hideout. Shems, nag init tuloy yung pisngi ko.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?