Chapter 55

621 47 0
                                    

Xyra's POV

Umalis na si Lawrence at kami nalang talaga ni Kyle ang naiwan dito. Konting oras nalang at gabi na.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong nya sakin kaya tinignan ko naman sya.

"Bakit mo naman natanong?"

Hindi sya sumagot at bahagyang lumapit sa akin. Nakasandal lang kami dito sa may kotsa mabuti nalang at may mga ilaw dito dahil padilim na talaga.

Nasa parking lot naman kami kaya hindi na kami nakikita ng mga guards sa school.

"I want to go at somewhere, with you." Mahinang sabi nya at pinagsalikop ang hinahangin kong buhok. Damn his moves.

"Saan naman? Tsaka bakit ngayon? Gabi na." Sagot ko pero hindi naman sa ayoko, medyo napagod lang ako dahil sa nangyari. Ngumisi lang sya sakin kaya kinunot ko yung noo ko.

"Why?" I asked but he only chuckled.

"Anong mas gusto mo? Sa bahay at tayong dalawa lang don. Umalis daw si Thalia." He playfully said. Napalunok nalang ako, siguro niloloko na naman nya ako.

"Seriously? Nasa bahay lang si Thalia, sure ako." Confident kong sagot at tinaasan sya ng kilay.

"Hmm. Kahit nasa bahay sya ngayon ng kaibigan nya? Sleep over daw sila dahil next week sembreak na, hindi na daw pwede yung iba." Paliwanag nya sakin ng seryoso. So it means, totoo? Kami lang dalawa sa bahay, may mga maids naman pero shit.

Buti sana kung umuuwi daddy nila e kaso tuwing madaling araw lang naman.

"Kyle naman." Sabi ko at ngumuso. Humalakhak sya at ginulo ang buhok ko.

"What? Wala akong ginagawa sayo." He said innocently. Pag gabi kasi sa bahay, halos sa kwarto ko na sya matulog. Hindi rin naman okay dahil sa tuwing nagkakatitigan kami, oh nevermind.

"Pagod na kasi ako." Sabi ko at pinahalatang pagod talaga ako, sana effective. May pahikab hikab pa nga akong ginawa.

"Okay, let's cancel our suddenly supposed date sweetheart." Nginitian ko nalang sya ng nakakaloko at hinintay na buksan nya yung pintuan.

"Pasalamat ka mahal kita." Namula nalang ako at sumakay na sa loob. Umikot sya at sumakay nadin.

Habang umaandar yung sasakyan, nagsalita ako.

"Saan pala tayo pupunta?" I asked habang nakatingin sa kanya. Seryoso lang syang nagmamaneho.

"Sa bahay diba?" Nakangising sabi nya kaya napairap ako.

"Kyle naman, I'm serious." He chuckled at hinuli ang kamay ko. Isang kamay lang ginamit nya sa pagmamaneho dahil mabagal lang rin naman ang takbo ng kotse.

"Saan nga dapat?" Tanong ko ulit dahil sanay naman na sya sa kakulitan ko.

"Sa bahay kasi sabi mo napagod ka. But yung sa dapat na pupuntahan natin, secret." Tumingin sya sakin saglit at kumindat. Pabitin, dapat pala pumayag nalang ako.

"Teka, may tatanong pala ako sayo."

"Ano?"

"Bakit ka nakulong sa loob ng kwarto na yon?" Kunot noong tanong nya. I guess, dapat kong sabihin sa kanya.

"Niyaya ako ni Shaira." Simpleng sagot ko.
Napansin ko ang paghigpit ng hawak ni Kyle sa manibela. Halatang galit sya dahil nakaawang na yung bibig nya at seryosong nakatingin sa daanan.

"Kyle." Tawag ko pero hindi sya lumilingon sakin.

"Kung iniisip mo na si Shaira ang may kagagawan kung bat ako na----"

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now