Chapter 66

544 32 12
                                    

Xyra's POV

After a couple of minutes, naihatid na ako ni Kyle sa condo ni Hannah pero mabilis din syang umalis.

"Bes, okay na kayo?" Tanong ni Hannah pagkapasok ko, agad agad sya kung magtanong.

"Oo." Nakangiting sabi ko at umupo sa kama nya.

"Anong nangyari? Kwento mo naman gaga." Sabi nya at tumabi sakin. Anong ikukwento ko? Yung asaran at landian namin ni Kyle habang nag uusap? I chuckled.

"Wala akong makukwento sayo. Parang namasyal lang kami sa lugar na yon." Sagot ko kaya bumuntong hininga sya.

"Sige na nga. Kinilig ka no?" Asar nya sakin at sinusundot pa talaga yung tagiliran ko.

"Hannah, tigilan mo nga ako." Saway ko sa kanya at natawa nalang. Agad akong sumeryoso.

"Pero may sasabihin ako, pag nakahanap daw ng tamang pagkakataon si Kyle, aamin na sya sa Lola nya." Sabi ko Kay Hannah kaya medyo tumahimik.

"Seryoso?"

"Yep, kinakabahan nga rin ako." Sagot ko at humiga muna pero naalala ko na kailangan ko palang magbihis muna kaya tumayo ako at kumuha ng dami na nasa bag namin.

"Bakit ka naman kakabahan? Dapat nga matuwa ka. Ipapakilala kana ni Kyle bilang girlfriend nya, ang sweet kaya. Swerte mo sa kanya bes." Sabi nya sakin na parang kilig na kilig pa. Parang kanina lang galit na galit sya kay Kyle, natawa naman ako.

May part sakin na masaya, may part sa isip ko na hindi. Pano ako magiging masaya kung magagalit yung Lola ni Kyle? Madidissapoint nya yung lola nya kaya sobra yung kaba ko.

"Pero ano sa tingin mo? Matatanggap ako nung lola nya?" Tanong ko bigla at tumingin sa kanya na nag iiip.

"Syempre naman! Mas maganda ka sa Shaira na yon and mas maganda pa ugali mo kaya  magugustuhan ka ng matanda." Napangiti ako. Siguro kaya si Hannah din ang naging pinaka close ko na kaibigan dahil ang positive nya masyado.

"Kahit na, mas gusto talaga ni Lola Alicia si Shaira. Close na close nga sila." Sagot ko dahil pansin na pansin ko kaya yon, magkasundo sila halata naman.

"Sus lahat naman nagbabago bes. Pag nakilala ka pa nung lola ni Kyle, mas gugustuhin ka nyang maging girlfriend ng apo nya. You're a good influence, tumino nga si Kyle dahil sayo."

May kumatok bigla sa pintuan kaya natigil kami sa pag uusap.

"Wait may kumakatok, baka si Lawrence na." Tumayo si Hannah at dumiretso sa pintuan, pagkabukas non ay si Lawrence nga.

"Lawrence." Tawag ko sa kanya at ngumiti sya sakin, I smiled back.

"Kumain na kayo, nag order ako ng mga foods galing sa restaurant ng Tito ko yung iba." Sabi nya. Ngayon ko lang napansin yung mga paper bags na pinagbubuksan ni Hannah ngayon. May kinakain na agad ang gaga na ikinatawa namin parehas.

"Wait, magbibihis lang ako saglit." Sagot ko naman at mabilis na pumunta sa bathroom. Naglinis ako ng katawan at nagbihis na.

"Ang dami naman nyan, pero salamat." Sabi ko ng makitang nakalagay na sa table yung mga pagkain. Nakaupo na sila kaya umupo na rin ako.

"Xyra, di pa pala tayo makakauwi bukas. May outing daw sabi ni Lola Alicia and pinapasama nya tayo." Sabi ni Lawrence kaya nahinto ako sa pagtingin ng pagkain.

"T-totoo? Ayokong sumama." Sabi ko agad kaya natawa si Lawrence.

"Bakit? Masaya yon promise. Hindi rin naman tayo makakatanggi sa lola ni Kyle." Sabi nya pa sakin.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now