Xyra's POV
Wearing a long beige silky gown, high heels, long and wavy hair with some moon clips, and some light make up to highlight my features. I stared myself in front of the mirror, tonight is my sister's debut.
Nandito kami sa venue na may ari ng kaibigan ni dad.
Sumilip ako sa bintana and all things are ready. String curtains, caterings, long tables and chairs, huge chandeliers, lanterns, feathers, balloons, the silver carpet, the chocolate fountain, the musicians, the stage, complete set of bodyguards, flowers all over the setting and of course, the guests.
Ganto rin siguro ang naging debut ko kung hindi lang natapatan ng problema.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto para pumunta kay Shaira. Daddy rented this house today para sa debut nya.
I entered Shaira's room. Nakapalibot sa kanya ang mga stylish, make up artist and designer dahil maya maya lang, magsisimula na ang debut party nya.
I smiled at her at lumapit. She is shining tonight, I'm happy for her.
"Happy birthday Shaira!" Lumayo muna sila para makalapit ako sa kapatid ko. Tumayo naman sya at niyakap ako pabalik.
"Thankyou! What can you say about my looks? Ayos lang ba? Maganda tignan?" Tanong nya sakin habang malawak ang ngiti.
Tumango ako at pinasadahan sya ng tingin.
"Yes, ang ganda mo kaya." I chuckled. Ngumiti sya at hinawakan ako sa kamay.
"This is going to be my best night." Sabi nya at tumango naman ako agad. Lumabas na rin ako agad dahil aayusan pa sya.
Bumaba ako at nakita ko sila mom and dad na nag uusap. Nakaformal dress si mommy and nakatuxedo si daddy.
Nang makita nila ako at agad silang ngumiti at niyakap ako.
"You're so gorgeous tonight, Xyra." Sabi ni mommy sakin at ilang ulit akong pinasadahan ng tingin. Ngumiti naman ako at nagsalita si daddy.
"Mana kayo sa mommy nyo." Saad nya at hinampas sya ni mommy ng mahina.
"Bolero ang dad nyo masyado nako." Nagtawanan kaming tatlo at tumingin sa mga bisita ni Shaira na dumarating. Ang dami na din nila at mga nakaupo na sa kanya kanyang tables.
"Nak, we are very sorry na hindi naging ganto ang debut mo." Malungkot na sabi ni mom sa tabi ko.
"Okay lang po, tapos naman na rin." I smiled to assure her. Dad kissed my forehead.
"Sige na, tara na sa table at malapit ng magsimula." Sabi ni daddy. Sabay kaming naglakad palabas para pumunta na sa venue.
Nang makarating kami ay hindi muna kami agad nakaupo dahil andaming kinakausap kila mom and dad. Pinapakilala rin nila ako kaya nakikipag usap din ako.
Luminga ako sa paligid at nakikilala ko na yung ibang mga bisita. Some of our schoolmates and classmates, yung iba hindi ko nakilala.
Nahagip ng paningin ko sila Hannah at Bea. Kasama nila ang boys, tinignan ko sila isa't isa. Si Kyle lang ang wala, parating na kaya sya? Malapit na magstart. Hindi rin naman na kami nakapag usap.
Nadako ang tingin ni Lawrence sakin. Ang gwapo nya masyado sa suot na gray na tuxedo. He smiled at me at sumenyas na lumapit ako sa table nila.
"Mom, dad, may pupuntahan lang po ako na friends ko." Paalam ko sa kanila at tumango naman sila agad.
Maingat akong naglakad papunta sa kanila dahil sa heels na suot ko. Mabilis nalipat ang tingin nila sakin.
Tinakbo ako ni Bea at Hannah para mayakap. Niyakap ko din sila habang natatawa.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?